^

Punto Mo

Ginger (2)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TREINTA’Y kuwatro anyos na si Anton. Manager siya sa HR department ng isang multi-national company. Malaki ang sahod niya. Dalawa silang magkapatid. Ang kanyang kuya ay nasa Australia at doon na naninirahan. Parehong patay na ang kanyang mga magulang.

Niyayaya siya ng kanyang kuya na sa Australia na manirahan para magkasama sila. Doon na rin daw siya mag-asawa ng Puti. Pero tumanggi siya. Mas gusto niyang mamuhay dito sa sariling bansa.

Bumili siya ng unit sa condo na malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan, Nilalakad na lamang niya kapag papasok siya. Ganun ang gusto niyang buhay. Kung sa Australia siya titira, baka hindi ganito kaganda ang kalagayan niya. Baka tauhan lang siya roon o baka trabahador. Kaya mas gusto niya rito.

Kung nakapasa sana siya sa bar exams ay kumpleto na sana ang kanyang pangarap na maging abogado. Pero ilang take na siya ay hindi pa pinapalad. Tinigilan na niya ang pagkuha. Tutal naman, kahit hindi siya abogado, titulado pa rin kaya madaling makakahanap ng trabaho. Hanggang matanggap nga siyang manager ng HR department nang isang malaking kompanya. Solb na siya sa trabahong iyon. Enjoy siya.

Isa na lamang ang hinihiling niya ang makatagpo na ng pakakasalang babae. Pero, mailap talaga sapagkat laging nauuwi sa hiwalayan. Kapag sasapit ang six months ng kanilang relasyon, nag-i-split sila. Ilang babae na ang nakarelasyon niya pero laging nagkakaroon ng problema na nauuwi sa hiwalayan.

Tinatanong tuloy niya ang sarili kung siya ang may deperensiya at lagi silang naghihiwalay ng karelasyon. Ano kaya ang kulang sa kanya? (Itutuloy)

vuukle comment

COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with