^

Punto Mo

Anong ikakaso sa mga hindi nagbayad ng kinain sa restaurant?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ano ba ang maari kong ikaso sa mga kumain sa aking restaurant na pasimpleng ­umalis isa-isa at hindi binayaran ang kanilang bill? – Rex

Dear Rex,

Ang mga taong kumain sa isang restaurant ngunit hindi nagbayad ay maaring kasuhan ng criminal case dahil isa itong uri ng estafa.

Makikita ito sa ikalawang paragraph ng Article 315 ng Revised Penal Code kung saan pinarurusahan ang hindi pagbabayad ng kinain, inumin, o accommodation sa isang hotel, inn, o restaurant at ang hindi pagbabayad na ito ay may kasamang intensiyon na makapanloko.

Ang krimen ng estafa ay karaniwang may dalawang ­elemento: (1) panloloko na isinagawa sa pamamagitan ng pag-abuso sa tiwalang ibinigay o sa pamamagitan ng panlilinlang at (2) pinsalang idinulot sa ibang tao ng nasabing panloloko.

Sa sitwasyon mo, halatang sinadya ang hindi pagbabayad ng mga customer mo dahil nabanggit mong isa-isa silang pasimple na nag-alisan upang takbuhan ang kanilang bill. Hindi kapani-paniwala kung idadahilan nila na hindi nila sinasadya ang hindi nila pagbabayad dahil mula sa kanilang mga aksyon ay makikita ang kanilang panlilinlang at ang intensiyon nilang makapanloko.

Dulot ng panlolokong ito, naperwisyo ka dahil nawalan ng kita ang restaurant mo mula sa kanilang inorder. Mula sa iyong inilahad ay malinaw ang mga elemento ng krimen kaya maari kang magsampa sa piskalya ng kasong estafa laban sa mga customer mo na tinakbuhan ang kanilang bill.

vuukle comment

RESTAURANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with