^

Punto Mo

Komedya sa pulitika, maiiyak ka sa katatawa!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

BINULAGA nina Ping Lacson, Isko Moreno at Norberto Gonzales ang mga dumalo sa press conference nila noong Linggo. Nagkaisang hinamon­ ng mga ito si Leni Robredo na mag-withdraw bilang kandidato sa pagka-pre­sidente dahil hindi ito mana­nalo kay Bongbong Marcos. Isa lamang daw sa kanilang tatlo ang maaring tumalo kay BBM. Parang komedyang fairy­tale, di ba Tekla?

Nagmistula tuloy “comedy sitcom presscon” ang nangyari, at cast ng three stooges sina Ping, Isko at Berto na bagong kalaban ng Eat Bulaga! Mas masaya raw siguro kung nakarating si Manny Pacquiao sa presscon, para natuluyan nang naging mistulang movie presscon ang nangyari para sa comedy movie na “Cuadro de Angas” directed by Tito Sotto. Wala namang ganyanan!

Nauna rito, ibinunyag ni Ping na pinakiusapan siya ni dating­ QC Mayor Brigido “Jun” Simon para umurong sa kandidatura nito kapalit ng pag-urong ni Kiko Pangilinan, upang siguruhin ang panalo ni Tito Sotto. Tatalunin daw naman kaya ni Sotto si Inday Sara? Fantasy movie naman ito. Baka  naman itatwa sila ni Jun tulad ni Simon Pedro. Ha-ha-ha!

Nagparamdam naman si Bert Gonzales na gusto niyang maging Cabinet member kahit sinong manalo kina Isko at Ping. Oows! Baka raw  naman tatlo kayong magiging Cabinet members ng UniTeam kapag nanalo si BBM? Malamang na di kasali si Manny Pacquiao dahil baka irekomenda niya na ikulong ang nanay ni BBM. Wait lang, darating tayo riyan!

Magandang pang-aliw na rin naman ang nangyari para sa mga nabuburyong na mga botante. Matagal na rin naman na hindi tayo nakakapanood ng comedy sitcom mula nang magka-pandemya. Mas exciting at bongga raw sana kung ang mga nag-interview sa kanila ay sina Boy Abunda, Vice Ganda at Ogie Diaz. O di ba?

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with