^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG taon pa ang nakalipas at nagbuntis na naman si Mira. Ang sinabi niyang tama na ang apat na anak ay nasundan pa uli. Sa pagkakataong iyon ay isang babae ang kanilang panglimang anak. Tuwang-tuwa si Reagan. Tatlong lalaki at dalawang babae na ang kanilang anak.

Sa totoo lang hindi nag-aalala si Reagan kung dumami man ang kanilang anak sapagkat marami naman silang kabu­hayan. Kayang-kaya nilang pag-aralin at bigyan ng magandang buhay ang mga anak. At isa pa, gusto na niya ang malaking pamilya. Mas masaya ang tahanan.

Ang panglima nilang anak na babae ay pinangalanan nilang­ Mayumi. Bagay na bagay ang pangalan sapagkat napakayumi ng kanilang panglimang anak. Nanggaling din kay Lolo Lincoln ang pangalang Mayumi.

“Gusto ko magkaanak pa tayo, Mira,’’ sabi ni Reagan. “Ngayon ko naisip, mas maganda ang maraming anak. Wala naman tayong problema dahil, marami tayong kabuhayan.’’

Nagtawa si Mira.

“Ako rin Reagan, gusto ko na rin na ma­raming­ anak. Binabawi ko na ang nasabi noon na last na. Tama na ang apat. Gusto ko, marami na ngayon. Tama ka, hindi naman natin sila mapapabayaan. Kasi, tingnan mo, nag-iisa akong anak. Gusto kong bumawi. Gusto ko masayang pamilya.’’

Masayang-masaya si Reagan.

“E di game uli?’’

“Game!’’

Nagtawanan ang mag-asawa.

Nasundan pa ang mga anak ng mag-asawa. Hanggang sa maging labintatlo ang anak nila.

Mahiwaga kay Reagan ang numerong 13. Si Mira ay ika-13 babae sa kanyang buhay at hindi niya akalain, 13 pala ang magiging anak nila.

At nagkatotoo ang kanilang pinangarap na magkaroon nang masayang tahanan—walang kasingsaya.

(Bukas abangan ang isa pang nobela ni Ronnie M. Halos. Huwag bibitiw!)

 

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with