^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (259)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAKALIPAS ang isang araw, nagkaroon na rin ng pangalan ang bagong panganak na kambal nina  Reagan at Mira.

At walang ibang nakapagbigay ng pangalan sa mga ito kundi si Lolo Lincoln.

“May pangalan na akong naisip para sa bagong kambal!’’

“Ano Papa?’’ tanong ni Mira habang nasa tabi ang bagong silang na kambal. Naroon din ang one-year old nilang kambal na sina Maginoo at Marikit. Excited naman si Reagan sa pangalan na naisip ni Lolo Lincoln.

“Palagay ko bagay na bagay ang mga pangalang ito sa mga bago kong apo.’’

“Anong pangalan, Lolo Lincoln?’’ tanong ni Reagan at saka nagtawa.

Nakitawa rin sina Maginoo at Marikit na para bang alam na ang pinag-uusapan nila.

“Matikas at Matipuno ang pangalan nila,’’ sabi ni Lolo Lincoln.

Napanganga si Reagan at Mira.

“Di ba ang ganda?’’ tanong ni Lolo Lincoln.

“Oo ang ganda!’’ sabi ni Reagan.

“Pinoy na Pinoy ang dating,’’ sabi ni Mira.

(Tatapusin na bukas)
 

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with