^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (256)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, nakita na ni Mira ang mga bagong silang na kambal. Napaiyak pa ito habang pinagmamasdan ang mga sanggol. Nawala ang paghihirap niya sa panganganak nang makita ang mga anak. Nakaalalay si Reagan sa asawa.

“Nawala na ang dinanas kong hirap, Reagan. Ganito pala ang nararamdaman ng ina kapag nakita ang mga isinilang niya.’’

“Ako nga rin ay hindi maipaliwanag ang nadama nang una kong makita ang mga ‘yan. Sobrang saya ko. Nakita ni Doktora Anna ang kasiyahan ko kahapon habang pinagmamasdan ang mga ‘yan sa nursery.’’

“Hindi talaga ako makapaniwala Reagan na kambal ang maging anak natin.’’

“Ako man. Sabi ko nga sa’yo dapat nagpa-ultrasound ka para nalaman natin kung ilan ang isisilang mo.’’

‘‘E di hindi sana tayo nasorpresa. Di ba mas masarap ang pakiramdam na malamang kambal ang anak natin.’’

‘‘Sabagay.’’

‘‘Mayroon ka nang naisip na pangalan, Reagan?’’

“Wala pa.’’

“Ako rin wala pa. Anong ipapangalan natin sa kanila.’’

“Ikaw ang mag-isip ng name para kay baby girl at ako kay baby boy.’’

“Sige.’’

“Gandahan mo, Mira at baka sisihin tayo ng mga yan kapag malaki na sila.’’

“Oo nga kailangang gandahan natin.’’

‘‘Ano kaya ang magandang name kay baby boy? Gawin ko kayang Junior siya?’’

“Ay huwag! Hindi maganda ang Junior. Nagtatalo raw ang mag-ama kapag may junior.’’

“Ganun ba?’’ (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with