^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (255)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MALUSOG at pawang cute ang anak n’yo ni Mira,” masayang pagbabalita ni Doktora Ana na nagpaanak kay Mira. “Sa pamilya n’yo ba ay mayroong kambal? Kasi namamana ang panganganak ng kambal.’’

“Hindi ko po alam, Doktora.’’

“Anyway, maayos naman ang kalagayan ni Mira. Nasa recovery room pa siya pero mamayang alas dose ng tanghali, ililipat na siya sa private room.’’

“Nahirapan po ba si Mira, Doktora?’’

“Hindi. Mabilis lang niyang nailuwal ang kambal. Minuto lang ang pagitan nila.’’

‘‘Kawawa naman ang asawa ko – dalawa ang isinilang niya.’’

“Hindi naman siya nahirapan kaya don’t worry Reagan.’’

“Puwede na ba siyang kausapin, Doktora.’’

“Hindi pa. Natutulog pa siya. Pero mamaya lang ay baka gising na siya. Huwag kang mag-worry, Reagan. Talagang ganyan kapag ­nanganganak. Ipanatag mo ang loob mo.’’

‘‘Salamat Doktora. Makakahinga na ako nang maluwag.’’

“Mas lalo kang makakahinga nang maluwag kapag nakita mo ang kambal.’’

“Puwede na po ba silang makita?’’

“Oo. Halika sa nursery.”

Tinungo nila ang ­nursery. Napapalibutan ng salamin ang malawak na ­nursery. ­Maraming sanggol na ­ipinanganak ng araw na iyon.

Itinuro ni Doktora kay Reagan ang kambal.

“Ayun sila. Ang cute di ba?’’

“Oo nga Doktora!’’ sabi ni Reagan na punumpuno ng saya ang dibdib. Damang-dama niya ang pagiging ama habang pinagmamasdan ang kambal.  (Itutuloy)

 

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with