^

Punto Mo

Kawatan, virus ingatan ng mga biyahero

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mula ngayon hanggang bukas, asahan na ang pagdagsa ng mga tao sa mga pantalan, paliparan at mga terminal.

Abay, talagang nasabik ang marami nating kababayan na damahin ang mahabang bakasyon ngayong linggo.

Dalawang taon na hindi ito nangyari nang maranasan ang COVID pandemic.

Sa unang taon marami ang naka-lockdown, walang pinayagang biyahe, kahit noong nakalipas na taon ipinatupad din ang kahigpitan.

Ngayong nasa ilalim na sa Alert Level 1 ang maraming lugar sa bansa, kung saan nararamdaman ang kaluwagan, eto na nga at sinasamantala na ng marami nating kababayan.

Noong isang linggo pa lamang marami na ang nagbiyahe at inaasahan ito hanggang sa Huwebes kaya medyo bumigat ang trapik.

Balik sa dati, ang magluluwag ay ang Metro Manila lalo na pagsapit ng Biyernes hanggang Linggo.

Uulitin lang natin ang ilang pag-iingat sa mga magsisipagbiyahe, gaya nang paalala ng mga awtoridad iwasan na mag-post sa ng inyong kinaroroonan sa social media dahil nakabantay ang maraming kawatan na baka sumalakay sa iniwan ninyong tahanan.

‘Wag ding maging kampante sa paglalakbay at makalimutan na nandyan pa rin ang banta ng COVID. Ipatupad ang pinaiiral na health protocol.

Nakakaalarma lang ang dagsa ng tao lalo na sa mga terminal, na tila hindi na nasusunod ang itinakdang mga pag-iingat. Sana ito ay mabantayan.

Laging isipin na  baka pagkatapos ng mahabang bakasyon, eh tumaas na naman ang kaso ng COVID, lalo na nga at ilang linggo na lamang eh eleksyon na ito ang pinangangambahan ng mga health expert na posibleng maging super spreader ng virus.

Sana eh magtuluy-tuloy na ang ganitong sitwasyon na talagang nagpapabangon na sa maraming Pinoy.

 

 

 

vuukle comment

VIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with