^

Punto Mo

Online sabong, salot nang maituturing

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

SALOT na diumanong maituturing ang lahat ng uri ng online gambling na nagkalat na saan mang dako ng bansa. Marami na ang naghirap na sugarol dahil nasa kandungan lang nila ang sugalan ngayon gamit ang internet at GCash.

Isa raw sa pinakasalot ay ang online sabong na binigyan ng importansiya ng gobyerno. Malaking pera umano ang nalilikom dito na itinutustos sa mga proyekto. Bilyones ang nakapaloob sa online sabong, kaya hindi nakapagtataka.

Bukod sa online sabong, nariyan din ang mga sugal na tulad ng karera ng kabayo, card games, mahjong at iba pa na maituturing na bagong pandemya ng bisyo sa internet. May nagbebenta ng puri “makatalpak” lang. Talpak ang tawag sa online sabong. Tsk-tsk-tsk!

Marami na ang na-bankrupt na negosyante at may nakakapagbenta pa ng sariling anak dahil sa online sabong. May isang pulis pa na nagkautang ng P1-milyon dahil sa online sa­bong kaya naburyong. Noong una, naging palasak ang katagang talpak na ginawang katuwaan lang ng magkakaibigan, pero nang lumaon ay naging bisyo na at natuto nang mangutang at dumispalko ng hindi na nila pera.

Nag-imbestiga na rin ang Senado hinggil sa mga nawawalang sabungero na pinaniniwalaang dinukot at pinatay dahil sa ­pangti-tiyope o pamimerwisyo ng sarili nilang manok. Tumataya diumano ang mga sindikato ng mga maniniyope sa kalabang manok para makasiguro ng panalo. Na-tiyope na rin kaya?

Legal man kung turingan ay maliwanag na salot nang matatawag ang ganitong uri ng operasyon, lalo pa nga’t marami nang nasisirang pamilya at pagkatao. Imbes na makatulong sa gobyerno ay nagmimistula pang buwitre ito na lumalamon sa laman ng lipunan.

vuukle comment

SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with