^

Punto Mo

EDITORYAL – Magtipid sa gas

Pang-masa
EDITORYAL � Magtipid sa gas

NAG-ROLLBACK ang presyo ng gasolina at diesel noong Martes pero may nakaamba na naman daw pagtaas sa mga susunod na linggo. Ang ini-rollback na P11 sa diesel at P5 sa gasoline, babawiin uli. Kaya balewala ang ini-rollback sa presyo ng petroleum products.

Sa nangyayaring ito, dapat nang maglatag ng mga paraan ang pamahalaan kung paano makakapagtipid sa paggamit ng gasolina at diesel. Kailangan na ang puspusang pagtitipid dahil walang nakikitang pagbaba ng crude oil na pinalubha ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine na nagsimula noong Pebrero 25. Halos isang buwan na ang invasion ng Russia at walang nakikitang paglambot kay Pres. Vladimir Putin kahit pinatawan ng sanctions ang kanyang bansa. Kabilang sa pinataw ay ang pag-ban sa pag-import ng langis sa nasabing bansa. Ang Russia ay ikalawa sa mga bansa sa mundo na nagsusuplay ng langis.

Damang-dama na ang kaguluhan sa Ukraine lalo na ang mga bansang umaasa sa langis ng Russia at kabilang dito ang Pilipinas. Mas lalong damang-dama ng mga mahihirap na bansa ang pagmahal ng langis sapagkat nakadepende na rito ang lahat. Bawat galaw ng mga tao sa mundo, sangkot ang gas.

Sa nangyayaring ito, dapat nang mag-isip ng paraan ang pamahalaan kung paano makakapagtipid sa paggamit ng gasolina at diesel. Simulan na ang mga pagpaplano sapagkat walang ibang kikilos sa nangyayaring ito kundi ang mga apektado mismo. Kapag hindi nagtipid, kawawa ang mga malilit na bansa na gaya ng Pilipinas na umaasa sa langis.

Isa sa maaring gawin ng gobyerno ay ang pagpapatupad ng isang araw na walang mga pribadong sasakyan sa kalsada. Malaki ang maitutulong nito para makatipid sa gasolina. Bukod sa nakatipid sa gasolina, mababawasan din ang problema sa air pollution at trapik.

Para makatipid, ipagpatuloy ang work from home (WFH) na nasubukan na ngayong may pandemya at epektibo naman. Kung ipagpapatuloy ang WFH, mababawasan ang mga gagamit ng sasakyan at makakatipid sa gasolina. Tipid din ito sa mga kompanya dahil mababawasan ang konsumo ng kuryente at tubig.

Pagbawalan ang mga opisyal ng gobyerno na gumamit ng mga sasakyang malakas komunsumo ng gasolina. Libre ang gasolina ng mga opisyal ng pamahalaan kaya wala silang kontrol sa paggamit ng mga malala­king sasakyan. Bawasan din ang out of town meeting ng government officials.

Sa mga paraang nabanggit, malaki ang posibilidad na makapagtipid sa gasoline at diesel.

vuukle comment

GAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with