^

Punto Mo

EDITORYAL – Walang pakundangan

Pang-masa
EDITORYAL � Walang pakundangan

WALA nang pakundangan ang China sa ginagawang pagpasok sa teritoryo ng Pilipnas. Wala nang pasintabi. Kapag ginusto nilang pumasok at manatili sa sakop ng Pilipinas, ginagawa nila at hindi nakikinig kahit pinaaalis sila. Masyadong malakas ang loob at hindi nangingilag.

Noong Enero 29 ng kasalukuyang taon, isang Chinese vessel ang pumasok sa Sulu Sea at nanatili roon ng tatlong araw sa kabila na sinabihan sila ng mga opisyal ng Philippine Navy na lulan ng BRP Antonio Luna na lisanin ang lugar. Pero hindi natinag ang Chinese vessel at tila walang narinig sa sinabi ng Philippine Navy.

Nagprotesta kaagad ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Beijing sa ginawa ng kanilang barko at ang sagot ng China, wala namang masama sa pagpasok ng kanilang barko sa Philippine waters. At ang maanghang pang sinabi, ini-exercise lamang umano nila ang “the right of innocent passage’’ na nakasaad sa United Nations Conventions on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ipinangangalandakan na nila ang UNCLOS sa ganitong pagkakataon gayung hindi nila ito kinilala nang manalo ang Pilipinas sa arbitrary ruling nito noong 2016 at patuloy na binabalewala hanggang ngayon. Nakakatawa ang China sapagkat kinikilala pala nila ang UNCLOS pero patuloy na inuukopa ang mga teritoryo ng Pilipinas gaya ng Mischief Reef at nagtayo pa sila ng military installation doon.

Noong Abril 2021, 300 barko ng China ang humimpil sa Julian Felipe Reef na nasa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Noong nakaraang Disyembre 2021, binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang dalawang bangkang Pinoy na maghahatid ng supply sa mga sundalong nasa Ayungin Shoal. Galit na galit si DFA Sec. Teodoro Locsin Jr. sa ginawa ng China. Pinagmumura niya ang China sa kanyang Twitter account. Sabi ni Locsin, anong klaseng kaibigan daw ang China.

Maski si Defense Sec. Delfin Lorenzana ay gigil na gigil na rin sa China dahil sa ginagawang pambu-bully at pananatili ng mga barko nito sa WPS noong nakaraang taon. Nagalit din si Lorenzana nang sabihin ng China na dapat alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ang pagpasok, pananatili at pambu-bully ng China sa Pilipinas ay malaking hamon sa susunod na presidente ng bansa. Kailangan ang isang presidenteng may tapang at paninindigan sa ginagawa ng China. Kung ang susunod na presidente ay magiging tahimik sa ginagawang intrusion, pambu-bully at pambabastos, saan tutungo ang Pilipinas.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with