^

Punto Mo

Babae sa California, pinakasalan ang kulay na pink!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GUMAWA ng kasaysayan ang 58-anyos na si Kitten Kay Sera bilang unang tao na nagpakasal sa isang kulay — ang kulay pink!

Naganap ang wedding ceremony ni Sera at ng kulay pink noong Enero 1, 2022 sa A Little White Wedding Chapel sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Sera, mahigit 40 taon na siyang “in a relationship” sa kulay pink kaya naisipan niya na pakasalan na ito.

Noon pang 1980 sinimulan ni Sera na kulay pink lamang ang sinusuot niyang damit. Bukod dito, sinisigurado niya na ang mga bibilhin niyang kagamitan sa kanyang bahay ay kulay pink. Maging ang kanyang aso na si Miss Kisses ay pinakulayan ng pink ang balahibo nito.

Dahil sa pagkahumaling ni Sera sa kulay pink, tinagurian na siya bilang “Pink Lady of Hollywood”.

Kahit maraming tao sa kanyang paligid ang nagsasabi na isang kabaliwan ang magpakasal sa isang kulay, hinihikayat niya ang mga tao na gawin ang kanilang ninanais at huwag makinig sa sinasabi ng iba at ang mahalaga’y walang ibang mapeperwisyo sa pagtupad nito.

 

vuukle comment

CALIFORNIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with