^

Punto Mo

Negosyante ng baboy tinalo ng bayarang nambababoy!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

TALAMAK na ang “political black propaganda” at  “fake news” sa social media na nililikha ng mga taong baluktot ang isip na nambubuyo sa publiko. Mara­ming napapaniwala at naililigaw sa katotohanan ng mga retokadong litrato at inimbentong isyu. Mistulang putik na ibinabalibag ng magkakalabang kampo.

Makapal na ang listahan ng mga nairereklamo sa opisina ng Cybercrime Investigation and Coordina­ting Center (CICC) dahil sa lumalalang kaso ng pambabastos gamit ang social media. Naglipana na ang mga bayarang “vloggers at trolls” na nasa “payroll” ng mga pulitiko na nambababoy sa mga kalaban. May poultry na kaya sila?

Isa sa mga nasampolan ay ang artistang si Enchong Dee na idinemanda ni partylist congresswoman Claudine Bautista-Lim. Ibinandera umano ni Enchong sa social media na ginamit daw ni Bautista-Lim ang pondo ng driver and commuters fund na kinakatawan nito sa magarbong kasal sa Balesin Resort. Why Enchong why?

Malaking bahagi ng pondo ng mga pulitiko ang napapasakamay ng mga broadcast media company upang pabanguhin ang kanilang imahe sa publiko. Taliwas naman sa napakamurang halaga ng gastos sa social media na puwede pa ang pambababoy ng bayarang “vloggers” sa kalaban. Lilingon lang lagi sa kaliwa’t kanan at baka bangungutin sila sa gitna ng daan. Tyakpadudels dundee, ayoko ng ganyan!

Ang maluwag na probisyon ng batas para sa malayang pamamahayag ay sagradong instrumento ng mamamayan sa paglalahad ng katotohanan. Kalakip nito ang propesyonalismo at hindi dapat ginagamit sa pamemerwisyo sa lipunan.

 

vuukle comment

PORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with