^

Punto Mo

Top 4 at posibleng ‘etlog’

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Pawang mga SMC at MVP Group ball clubs ang nasa unahan ng playoff race sa pagtatapos ng elimination round ng PBA Governors’ Cup.

At ang malamang na ending, sila rin ang kokopo ng Top Four spots at ang reward nitong twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Pinakamalakas na scenario ang dalawang SMC teams at dalawang MVP Group ball clubs. Maaari rin naman na No. 1 ang Magnolia at 2-3-4 ang NLEX, TNT Tropang Giga at Meralco.

Top Four ang Hotshots, Road Warriors, Tropang Giga at Bolts kung magagawa ng TNT at Meralco na ipanalo ang kanilang natitirang laro.

Haharapin ng TNT ang Terrafirma bukas at ang NorthPort sa Biyernes, samantalang isasara ng Meralco ang kanilang elims stint kontra Phoenix sa Biyernes.

Maisasalba naman ng San Miguel Beer (7-4) ang third spot sa likod ng Magnolia (9-1) at NLEX (8-3) kung may matapilok sa TNT (5-4) o Meralco (6-4).

Masalimuot din ang rumble para sa “next four” dahil dikit-dikit sa standings ang Barangay Ginebra (6-5), Alaska Milk (6-5), NorthPort (5-5) at Phoenix (5-5).

Tatlong koponan ang out na sa karera – Rain or Shine (3-8), Terrafirma (2-8) at Blackwater (0-10).

Nanatili naman na kasama sa pinag-uusapan ang Blackwater – hindi dahil sa magandang bagay kung hindi dahil sa hinaharap nilang posibilidad na panga­lawang sunod na conference shutout.

Susubukan nilang iwasan ang panibagong “etlog” na performance sa pakikipagharap sa Magnolia Hotshots bukas.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with