^

Punto Mo

Saan dapat isampa ang criminal case?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Naloko po ako ng kasosyo ko sa negosyo. Gusto ko pong magsampa ng kaso para sa BP 22 pero sa malayong probinsiya po nakatira ang nanloko sa akin. Ako naman ay taga-Metro Manila. Saan ko po dapat isampa ang reklamo? —Marilyn

Dear Marilyn,

Ang venue o ang korte kung saan dapat isampa ang reklamo para sa paglabag ng Batas Pambansa Bilang 22 o BP 22 ay sa korte na may sakop sa lugar kung saan naganap ang krimen o ang anuman sa mga elemento nito.

Dahil ang mga elemento ng BP 22 ay ang pag-iisyu ng  tsekeng walang halaga at ang pagtalbog nito, maaring isampa ang kaso sa lugar kung saan inisyu ang tseke o kung saan ito na-dishonor nang ipresenta sa banko.

Kaya sa tanong mo kung saan ka ba magpa-file ng kaso, hindi na importante na ikaw ay tagarito sa Maynila samantalang nasa probinsya naman ang mga irereklamo mo.

Ang mahalaga lang sa isyu na iyan ay kung saan ba inisyu ang tseke sa iyo at saan ito tumalbog dahil ang mga lugar kung saan naganap ang mga iyan ang tanging pagpipilian mo sa pagpa-file ng iyong reklamo.

vuukle comment

CASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with