^

Punto Mo

Aso sa Canada, nanganak ng kulay berdeng tuta!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang mag-asawa mula sa Nova Scotia, Canada nang mapansin nila na ang isa sa mga tuta na ipina­nganak ng kanilang bulldog ay kulay berde!

Sa panayam sa mag-asawang sina Trevor at Audra Mosher, pinakahu­ling iniluwal ng kanilang bulldog na si Freya ang kulay berdeng tuta.

Sa akalang namamalikmata lamang sila, agad nilang nilinis ang tuta ngunit lalong tumingkad ang pagiging kulay berde nito. Sa pangamba na may sakit ang tuta, nag-search sila sa Google gamit ang mga salitang: “my puppy is green, what’s wrong?”

Sa tulong ng internet, napag-alaman ng mag-asawang Mosher na isang pambihirang pangyayari na maging kulay berde ang isang bagong panganak na tuta at walang dulot na panganib ito sa kanyang kalusugan.

Ayon sa mga beterinaryo, ang rare discolo­ration na ito ay nangyayari kapag na-expose ang tuta sa green pigments ng apdo ng kanilang ina habang nasa sinapupunan pa lamang ito.

Hindi panghabambuhay ang pagiging berde ng tuta sapagkat kukupas din ang kulay nito habang lumalaki.

Dahil sa kakaiba nitong kulay, pinagpipilian ng mag-asawang Mosher ang mga pangalan na Pistachio, Wasabi, Hulkette at Lucky Irish.

vuukle comment

CANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with