^

Punto Mo

Mag-asawang kumakain sa seafood restaurant, nakakuha nang mamahaling perlas sa inorder na kabibe!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang mag-asawa sa New Jersey sa Amerika ang sinuwerteng nakakuha ng perlas sa inorder nilang kabibe sa isang seafood restaurant!

Kumakain ng kabibe ang mag-asawang Michael at Maria Spressler sa The Lobster House sa Cape May, New Jersey nang may makagat na matigas na bagay ang mister na si Michael.

Nang iniluwa ito ni Michael, nagulat silang mag-asawa na isa pala itong .35 inch na perlas!

Suki na ang mag-asawang Spressler sa The Lobster House sa loob ng 34 na taon pero ngayon lang nila nalaman na posible pala na makasuwerte sila ng perlas dito.

Kahit ang mga emple­yado ng restaurant ay hindi makapaniwala sa nangya­ring ito. Ayon sa staff na si Sarah Stadnicar, 10 taon na siyang nagse-serve ng iba’t ibang klase ng kabibe sa The Lobster House pero ngayon lang niya nasaksihan na may customer na parang nanalo sa lotto dahil sa inorder na kabibe.

Ipina-appraise na ng mag-asawa ang perlas at napag-alaman na libong dolyar ang value nito.

Ayon sa huling ­panayam sa mag-asawa, wala silang balak ibenta ang perlas at balak nilang ipagawa ito bilang alahas upang gawing remembrance sa masuwerte nilang araw nang natagpuan nila ito.

vuukle comment

SEAFOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with