^

Punto Mo

Upos ng tabako ni Michael Jordan, ibinebenta sa isang auction!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG auction house sa New York ang nagpapasubasta ng isang kakaibang sports memorabilia, ang upos na tabako ng NBA basketball superstar na si Michael Jordan!

Ang Lelands Auction ay kilala sa pagpapasubasta ng mga sports memorabilia. Ayon dito, ang tabako na kanilang ipinapa-auction ay mula sa isang NBA fan na nagpa-picture kay Michael Jordan sa Arizona Baltimore Resort noong 2021.

Naninigarilyo si Michael Jordan nang makiusap ang fan kung maaari ba itong magpa-picture. Pumayag ang NBA star at ipinatong muna sa ashtray ang paubos na nitong tabako. Pagkatapos pagbigyan ang hiling ng fan, umalis na ito sa kanyang kinauupuan at nagpaalam.

Nang mapansin ng fan na naiwan ni Michael Jordan ang kanyang tabako, kinuha niya ito at itinago sa pag-asang maibebenta niya ito sa mataas na halaga.

Ang tabakong ginamit ni Michael Jordan ay isang Oliva V Melanio at gawa ito sa Nicaragua. Magsisimula ang auction price nito sa halagang $500.

vuukle comment

MICHAEL JORDAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with