^

Punto Mo

Sekyu sa museum, drinowingan ang mamahaling painting dahil sa sobrang pagkainip sa trabaho!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL sobrang pagkainip sa unang araw sa trabaho, isang guard sa museum sa Russia ang drinowingan ng mata ang avant-garde painting na nagkakahalaga ng $988,000!

Noong Disyembre 7, 2021, dalawang bisita ng Boris Yeltsin Presidential Center ang nakapansin na may kakaiba sa painting na “Three Figures” na gawa ng avant-garde artist na si Anna Leporskaya. Ang painting ay nagpapakita ng tatlong imahe ng tao na walang mukha pero nagkaroon na ng mata ang dalawa sa mga ito! 

Matapos i-report ang vandalism sa painting, nagsagawa ng imbestigasyon ang museum at natuklasan na ang gumawa nito ay isa sa kanilang guard! First day umano sa trabaho ng guard at sa sobrang inip, nilagyan niya ng mata ang painting gamit ang ballpen.

Ayon sa tagapagsalita ng museum, hindi malala ang nagawang pinsala ng ballpen kaya maaaring i-restore ang painting sa halagang $3,300. Bilang parusa sa guwardiya, pinagmumulta ito makukulong ng ilang buwan.

 

vuukle comment

MUSEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with