^

Punto Mo

Lupang matagal nang naibenta ng asawa, mababawi pa ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Mababawi ko pa po ba ang lupang ibinenta ng asawa ko ng wala kong pahintulot? Higit sa fifteen years na pong yumao ang aking asawa at noong namatay po siya ay saka ko lamang nabisto na ibinenta pala niya ang isa sa mga lupa namin. Hindi ko na po ito naasikaso noon dahil abala po ako sa pagpapalaki ng aming mga anak. Ngayon pong malalaki na sila at medyo nakakaluwag-luwag na ay balak po sana naming bawiin ang lupa, ngunit gusto po sana naming malaman kung may laban ba kami sa ilalim ng batas. —Tessy

Dear Tessy,

Nakasaad sa Article 96 at 124 ng Family Code na magkatuwang ang mag-asawa sa pangangasiwa at sa pakikinabang sa kanilang mga ari-arian. Nakasaad din na sakaling may hindi sila pagkakasundo ukol dito ay mananaig ang desisyon ng asawang lalaki ngunit may karapatan naman ang babae na kuwestiyunin ito sa korte sa loob ng limang taon.

Base sa iyong inilahad ay higit sa labinlimang taon na simula ng malaman mo ang ginawang pagbenta ng iyong asawa sa inyong lupa. Bukod sa higit na ang panahong iyan sa limang taon na ibinibigay ng batas para kuwestiyunin ang ginawang bentahan ay masasabi ring guilty ka sa tinatawag na “laches,” o pagpapabaya sa paggamit ng iyong karapatan sa napakatagal na panahon.

Dahil dito, malabo ng mabawi niyo ang lupang ibinenta ng iyong asawa, puwera na lamang kung pumayag ang kasalukuyang may-ari nito na ibenta sa inyo pabalik ang property.

vuukle comment

LAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with