^

Punto Mo

Takot sa bakuna, multo ng Dengvaxia!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

DAPAT ngayong araw ang simula ng COVID-19 vaccine rollout para sa mga batang edad 5 hanggang 11, pero hindi ito matutuloy bagkus sisimulan ito sa Lunes, Pebrero 7.

Naantala raw  kasi ang pagdating ng mga Pfizer vaccine na nakatakdang gamitin para sa mga bata.

Iba’t ibang paghahanda na nga ukol dito ang ginagawa ng mga local government units (LGUs) para pawiin ang takot ng mga nasabing nasa age group sa bakuna.

Hindi rin lang ang mga bata ang bahagyang may takot kundi maging ang ilang magulang.

Kaya nga ang payo ng mga eksperto, dapat bago bakunahan ang mga bata, kausapin na ito ng mga magulang.

Ipaliwanag sa mga ito ang kahalagahan ng bakuna at kung ano ang magiging magandang dulot nito.

Iba kasi ang takot ngayon sa bakuna sa mga bata dala ng kontrobersiya sa Dengvaxia.

Maging ang maraming parents bahagyang may kaba, kasi nandyan pa rin sa kanilang isipan ang sumambulat na kontrobersiya sa bakuna sa denque.

Pero iba kasi ngayon, ang pinag-uusapan dito worldwide pandemic ang nararanasan, kahit sino pwedeng tamaan lalo na nga sa ating bansa na bagama’t bumababa na ang bilang nang tinatamaan ng COVID, pero nandyan pa rin ang matinding banta ng virus kaya hindi dapat maging kampante.

Katunayan na nandyan pa ang pangamba ng ilang magulang sa COVID vaccine sa mga bata, kung kaya dalawang magulang ang nagharap ng petisyon sa korte kung saan pinatitigil nila ang pagbabakuna sa nabanggit na age group.

Unconstitutional umano ang cicular ng Departrment of Health na dito nakasaad na mabakunahan ang mga batang edad 5 hanggang 11.

Pfizer vaccine ang itinakda o pinayagang bakuna ng Food and Drug Administration (FDA) para maiturok sa mga paslit.

Ayon sa pamahalaan, ligtas ang bakuna sa mga bata, masusing pag-aaral na ang ginawa rito at milyun-milyon ng bata ang nabakunahan sa buong mundo.

Anut-anuman  ang mga magulang pa rin naman ang magpapasya para sa kanilang mga anak.

Hindi naman umano sapilitan, pero siyempre dapat din nilang timbangin ang kanilang magiging desisyon.

Kung payag na silang hindi pabakunahan ang kanilang anak na prone sa COVID, o magpasya silang pabakunahan ito para may proteksyon.

Tandaan mukhang mahaba pa ang laban sa COVID at sa mga umuusbong pang variant nito.

Pero siyempre bukod sa bakuna, kailangan pa ring masunod ang pinaiiral na health protocol para lalong magkaiwas sa hawaan.

              

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with