^

Punto Mo

Pagdagsa ng tao sa labas, asahan sa Alert Level 2

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SIMULA bukas isasailalim na sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) at pito pang lalawigan sa bansa.

At komo nga Alert Level 2 na tayo,  suspendido na rin ang ‘no vax, no ride’ sa mga pampublikong transportasyon.

Sa mga restaurant pwede na ang 50 porsiyento sa indoor at 70 percent na ang papayagan outdoor o al fresco.

Papayagan na uli ang face-to-face classes.

Makakabukas na rin ang iba pang negosyo at iba maipapatupad rin ang iba pang dating kaluwagan.

Dahil nga dito, asahan na ang pagdami ng mga lalabas.

Eto na naman tayo, patuloy sa paalala na sana nga lang patuloy na masunod ang pinaiiral na health protocols.

Ang nakakatakot kasi dito, baka naman nandyan ang mga pasaway at malibang na naman hanggang sa makalimutan ang mga pag-iingat.

Ganyan-ganyan  ang nangyari noong nakalipas na taon, na komo nagkaroon ng kaunting kaluwagan tila nakakalimutan na nandyan pa rin ang banta ng COVID.

Hindi nga ba’t bigla ang naging pagtaas ng kaso dahil sa paglabas ng maraming mga tao.

Sana nga ay magtuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng virus at maipagtagumpay na ang paglaban dito.

Magtuluy-tuloy na rin sana ang pag-usad ng negosyo at makabalik na rin sa trabaho ang mga natigil dahil sa pandemic.

‘Wag naman sanang maabuso ang ipinatutupad na kaluwagan, kailangan pa rin ang ­pakikipagtulungan ng mamamayan, para tuluyan tayong makabalik sa normal.

Normal na wala nang mga alert level na ipapatupad na ito ay magagawa lamang sa pagsunod sa mga simpleng panuntunan.

Pakiusap nga ng pamahalaan, ‘wag nang maging pasaway.

 

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with