^

Punto Mo

EDITORYAL - Department of Migrant Workers, pagalawin na

Pang-masa
EDITORYAL - Department of Migrant Workers, pagalawin na

NILAGDAAN na ni President Duterte ang Republic Act 11641 na nagtatag sa Deparment of Migrant Workers noong nakaraang Disyembre 30, 2021. Mara­ming overseas Filipino workers at kanilang pamilya ang natuwa sa pagkakalagda ng RA 11641. Matagal na itong inaasam ng mga OFWs at kanilang pamilya. Noon pa, hangad na nilang mayroong isang ahensiya o tanggapan na tututok sa kanilang mga pangangailangan, mga problema, habang nasa bansang pinagtatrabahuhan. Hindi kung kani-kanino sila pinagtuturo ng mga embassy o POLO officials. Kadalasan, kapag may problema, ang Overseas Workers ang Welfare Administration (OWWA) ang nag-aasikaso sa mga OFWs. Pero sa rami ng mga problema, hindi ito kinakaya ng OWWA kaya ang bagsak din ng problema ay sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Talaga namang dapat magkaroon ng sariling tanggapan ang OFWs dahil sa nagagawa nilang tulong sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang remittances. Malaki ang naitutulong ng OFWs para makabangon ang sisinghap-singhap na ekonomiya ng bansa. Kung wala ang remittances ng OFWs, mahihirapan ang bansa lalo na ngayong sinagasaan ng pandemya.

Noong nakaraang taon tumaas ang remittances ng OFWs ng 4.8 percent. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa $3.03 bilyon ang personal remittances ng OFWs mula United States, Saudi Arabia, Japan, United Arab Emirates, Singapore, United Kingdom, Canada, Taiwan, Qatar at South Korea.

Mahalaga ang Department of OFWs para mapangalagaan ang migrant workers. Dahil walang sariling tanggapan ang OFWs, hindi nila malaman kung saan susulong kapag may kaguluhan sa bansang pinagtatrabahuhan. Kapag may pandemya gaya nang nararanasan sa kasalukuyan, walang matakbuhan ang OFWs. Marami sa OFWs ang dumaranas ng pagkaapi, pang-aabuso at malagim na kamatayan sa kamay ng kanilang mga amo.

Dapat nang pagalawin ang Department of Migrant Workers para magkaroon na ng kakapitan ang mga OFWs. Nararapat na ang mamumuno sa departamentong ito ay may kakayahan at nalalaman ang damdamin ng OFWs. Nararapat din na may karanasan sa ­pangingibang bansa at batid ang buhay ng mga “bagong bayani”.

 

vuukle comment

MIGRANT WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with