^

Punto Mo

Paano malalaman kung nasampahan na ng kaso?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Paano ko po malalaman kung may nakasampang kaso laban sa akin? May nakaalitan po kasi ako at binantaan niya ako ng demanda. Nag-aalala kasi ako dahil baka may kaso na pala laban sa akin habang wala pa akong kaalam-alam. —Lanie

Dear Lanie,

Kung may magsampa ng kaso sa iyo, mapa-kriminal man ito o civil, makakatanggap ka ng tinatawag na summons o subpoena. Kung civil case ang isinampa sa iyong kaso, summons ang iyong matatanggap kung saan nakasaad na kailangan mong mag-file sa korte ng iyong answer o sagot ukol sa demanda laban sa iyo. Kung kriminal na kaso naman, subpoena ang matatanggap mong notice. Madalas na nakasaad sa subpoena na kailangan mong humarap sa piskal sa takdang araw upang malaman mo ang detalye ng reklamo sa iyo at upang malaman mo ang panahong ibibigay sa iyo upang ikaw ay makapag-file ng iyong counter-affidavit at mapabulaanan ang mga paratang sa iyo.

Kung wala ka pang natatanggap na subpoena o summons, malamang ay wala pang nakasampang kaso laban sa iyo. Hindi rin naman basta-basta aandar ang pagdinig ng isang kaso kung ang isang partido ay hindi nabigyan ng kaukulang notice ukol sa nakasampang demanda laban sa kanila. Maari rin kasing mapawalang bisa ang maging pasya ng korte kung mapatunayang hindi wastong naipalam sa isa sa mga partido ang kaso laban sa kanya at hindi man lamang siya nabigyan ng pagkakataong makalahok sa mga naging pagdinig nito.

Kung gusto mong makasigurado, puwede ka ring pumunta sa prosecutor’s office at sa trial courts na nakakasakop sa tinitirhan mo o ng taong maaring magsampa ng reklamo sa iyo. Doon ay maaring mag-request ka ng clearance upang masigurado mo na walang nakabinbing kaso laban sa iyo.

 

vuukle comment

CASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with