^

Punto Mo

Magkakapatid na may albinism sa England, nakatanggap ng Guinness World Record ng titulong ‘Most Albino Siblings’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pamilyang Briton sa Coventry, England ang nakatanggap ng Guinness World Record dahil sa pagkakaroon nang pinakamaraming magkakapatid na may albinism sa buong mundo.

Kinumpirma ng Guinness na ang anim na magkakapatid na sina Naseem Akhtar, Ghulam Ali, Haider Ali, Muqadas Bibi, Musarat Begum and Mohammed Rafi ay pinanganak na may Albinism, isang genetic condition kung saan kulang sa melanin ang katawan ng isang tao na nagiging sanhi para maging maputi ang balat, buhok at iris ng mata.

Dalawampu’t apat na taon na hindi nagkikibuan ang anim na magkakapatid at ngayon lamang pandemic nagkaroon sila ng oras magsama-sama at makapagpatawaran sa kanilang mga naging hindi pagkakasunduan.

Bilang selebrasyon sa kanilang reunion at pagka­kabati-bati, naisipan ng panga­nay na si Naseem Akhtar na mag-apply para sa record title na Most Albino Siblings.

Isa pa sa dahilan niya ay gusto nilang ipakita sa buong mundo na proud sila sa kanilang kondisyon at hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng albinism.

vuukle comment

ENGLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with