^

Punto Mo

Speechless sermon

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG hapon iyon ng 1953 kung saan matiyagang naghihintay ang reporters, officials, dignitaries at welcoming committee sa Chicago railway station para sa pagdating ng importanteng panauhin mula sa Germany na nahirang na 1952 “Nobel Peace Prize” winner, si Albert Schweitzer. Siya ay ang world-famous missionary-doctor na ang tanging ginawa sa kanyang buhay ay tulungan ang mahihirap na taga-Africa.

Sa wakas, dumating na ang tren kung saan nakasakay ang panauhin. At nang bumukas ang mga pintuan ay iniluwal ang isang lalaking may taas na 6’4, mukhang maginoo sa kanyang bigote na halatang alaga sa pag-aayos. Nagsimulang mag-flush ang mga camera, na-excite ang mga tao sa panauhing pandangal.

Dinala si Schweitzer ng welcoming committee sa isang bahagi ng istasyon kung saan gumawa ng stage para handugan ng “key to the city”. Simbolo ito ng appreciation ng city govern­ment na dinalaw sila ng isang kagalang-galang na tao. Sa gitna ng programa, napatigil si Schweitzer. Ang kanyang paningin ay nasa mga taong pumapanhik sa tren na naka-schedule umalis.

Sisimulan na sana niya ang speech nang mag-excuse siya sa audience. Bumaba siya ng stage at dali-daling lumapit sa matandang babaing Black na hirap na hirap sa paghila ng kanyang malaking maleta. Walang tumulong sa matanda dahil nagsisimula na noon ang racial discrimination sa Black people. Isinasakay ng matanda ang kanyang maleta sa tren.

Nilapitan ni Schweitzer ang matanda, binitbit sa kanang kamay ang maleta, habang ang kaliwa nitong kamay ay umakay sa matanda. Inihatid nito ang matanda sa kanyang upuan at nagbilin na mag-ingat ito sa kanyang paglalakbay.

Nasaksihan nang lahat ang eksena. Parang nakadama ng pagkapahiya ang mga tao, diyata’t napakarami nila pero isang hindi tagaroon ang tumulong sa matanda.

Bumalik si Schweitzer sa stage at ipinagpatuloy ang naantalang speech.

Isang member ng official reception committee ang napabulong sa reporters ng Chicago Times: “‘Yan ang sermon na walang salita pero tumatagos sa puso ng mga nakasaksi.”

vuukle comment

GERMANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with