^

Punto Mo

Maari bang magsampa ng kasong ­trespassing ang hindi naman ­may-ari?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari po ba naming ireklamo ng trespassing ang kapitbahay naming nagpumilit pumasok sa aming bahay matapos makaalitan ng anak ko? Bago lang po kasi kami sa lugar at inuupahan lang po namin ang bahay na tinitirhan namin ngayon. Puwede po ba kaming magsampa ng trespassing kahit na hindi naman kami ang may-ari ng bahay?—Ben

Dear Ben,

Hindi hadlang ang hindi pagiging may-ari ng isang tirahan sa pagsasampa ng kasong trespassing to dwelling. Ayon sa Marzalado v. People (G.R. No. 152997, 10 November 2004), para masabing nay nagawang krimen na trespassing to dwelling, kailangang (1) ang nag-trespass ay isang pribadong indibidwal (ibang krimen kasi kung pulis o alagad ng batas ang gumawa ng panghihimasok); (2) ang pinasok na lugar ay nagsisilbing tuluyan o tirahan; at (3) at ang ginawang pagpasok ay labag sa kalooban sa nakatira o nanunuluyan sa nasabing lugar.

Kung mapapansin mo, hindi naman nabanggit ang may-ari ng bahay sa mga elemento ng trespassing. Ang mahalaga ay isang tirahan o tinutuluyan ang lugar na pinasok at ang pagpasok ay labag sa kalooban ng mga kasalukuyang nakatira o tumutuloy sa nasabing lugar nang mangyari ang panghihimasok. Base sa mga nasabing elemento, walang hadlang para ikaw ay magsampa ng reklamong trespassing laban sa inyong kapitbahay.

Paalala lang na kung ang kapitbahay ninyo na inyong sasampahan ng kaso ay ka-barangay, kailangan n’yo munang idaan ang reklamo sa barangay bago kayo pormal na makakapagsampa ng kriminal na kaso. Maari kasing agarang mabasura ang kaso kung hindi kayo dumaan sa tinatawag na barangay conciliation kung saan kayo ay bibigyan ng pagkakataong magkaayos upang hindi na humantong sa matagal at magastos na demandahan ang inyong alitan.

vuukle comment

TRESPASSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with