^

Punto Mo

Ang batang takot sa ‘exam’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Hindi naman siya bobo pero laging mababa ang grade niya sa exam. Mayroong test anxiety si Robert Stenberg. Kapag kumukuha siya ng exam, automatic na ninerbiyusin siya. Kaya kahit matindi ang review na kanyang ginawa, nawawalan iyon ng kuwenta kapag inatake na siya ng nerbiyos. Mababa pa rin ang grade na nakukuha niya.

Bunga ng hindi magandang academic experience, napag-isipan  niya na ang test na ibinibigay sa mga paaralan ay hindi tumpak na sukatan ng aktuwal na kakayahan at kaalaman ng isang tao. Kaya pagsapit sa kolehiyo, kinuha niya ang kursong psychology. Nais niyang pag-aralan at patunayan na ang “standard test” na ibinibigay sa mga eskuwelahan ay mahinang sukatan ng mental abilities ng indibidwal. Minsan, sinabihan siya ng kanyang propesor na lumipat sa ibang kurso dahil laging mababa ang grade na nakukuha niya sa Introductory Psychology.

Sa halip na panghinaan ng loob, itinuloy niya ang kanyang kurso hanggang sa nakatapos siya ng Bachelor’s degree in Psychology sa Yale University noong 1972 at Ph.D. sa Stanford noong 1975. Dinibelop niya ang kanyang unang intelligence test na tinawag niyang Sternberg Test of Mental Ability (STOMA).

Sa STOMA, masusukat dito ang tatlong klase ng intelligence ng isang tao: analytical intelligence (or problem-solving abilities), creative intelligence (using prior knowledge and skills to deal with new situations) and practical intelligence (the ability to adapt to a changing world). Sa pagsukat ng tatlong klaseng talino, magiging mabilis para sa researchers at educators na makuha nang malinaw kung ano ang kakayahan ng mga taong kumuha ng test.

Si Dr. Robert Stenberg ay isa sa world’s foremost authorities on intelligence theory. Hindi masama para sa isang bata na hindi makakuha ng mataas na grade dahil may phobia sa school exam.

vuukle comment

EXAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with