Beauty pageant ng mga camel sa Saudi Arabia, nagka-kontrobersiya nang matuklasang tinuturukan ng botox ang contestants nito!
MAHIGIT 43 camel ang na-disqualify sa isang camel beauty pageant sa King Abdulaziz Camel Festival sa Saudi Arabia. Ito ay dahil natuklasan ng pageant organizers na tinuturukan ng Botox ang ilan sa contestants nito!
Natuklasan na bukod sa Botox, ginagamitan din ng collagen lip fillers, hormone injections ang mga camel na isinasali sa beauty pageant.
Ang paggamit ng artificial cosmetic procedure sa mga camel ay matagal nang problema ng pageant organizers kaya gumagamit na sila ng mga x-ray machines at sonar devices para ma-detect kung sino ang mga nandadaya.
Bukod sa disqualification, pinagmulta ng 100,000 riyals per camel ang mga breeders na may artificially enhanced na contestant.
Seryosong kompetisyon ang camel beauty pageant sa Middle East. Dahil malaking industriya ang camel breeding sa bahaging ito ng mundo, nakakatulong sa business ng isang camel breeder ang manalo sa isang camel beauty pageant. Bukod dito, umaabot ng $66 million ang premyo sa King Abdulaziz Camel Festival.
- Latest