^

Punto Mo

F2F classes sa NCR, arangkada na rin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NASA 2,000 mga estudyante buhat sa public elementary school at senior high school sa National Capital Region (NCR) ang magbabalik sa in-person o face-to-face classes simula ngayong araw.

Magmumula ang mga ito sa may 28 eskuwelahan sa region na napili na sumali sa pilot run ng F2F.

Ito’y matapos nga ang halos dalawang taon na pagkatigil sa pagpunta sa mga classroom dahil sa pandemya.

Ngayon na nga lang isasagawa ang testing makaraang mailagay ang Metro Manila sa Alert Level 2.

Buong Pinas na ang nasa ilalim nang mas pinaluwag na Alert Level 2.

Sa kabuuan,  nasa 177 na mga paaralan sa nationwide ang kasali na sa face-to-face classes na sinimulan noong kalagitnaan ng Nobyembre.

Walang naitalang nagkakaso ng COVID sa mga naunang lumahok dahil na rin marahil sa isinagawang maingat na paghahanda.

Pero iba kasi ang kaso sa kasalukuyan kung saan natukoy ang bagong variant na Omicron.

Kung sabagay, ayon nga sa DepEd napaghuhuli na ang Pinas na makabalik sa face-to-face classes kumpara sa ibang bansa na noon pa ay nagsimula na.

Maging ang nakakaraming magulang ay gusto na ring maibalik ang F2F classes dahil nga sa hirap nang naging pamamaraan sa nakaraan.

Hindi lang mismo ang mga parent ang hirap sa pagtuturo ng aralin sa kanilang mga anak, aba’y maging ang maga mag-aaral hirap din sa mga isinagawang online classes at iba naman ay sa pamamagitan ng modules.

Marami na ang nais na makabalik sa dating pamamaraan nang pag-aaral katunayan nito na muling nadagdagan ang mga paaralan na lalahok sa F2F classes.

Magkagayunman, dapat din naman na lubusan itong napaghandaan partikular ang na dapat masunod ang mga patakaran patungkol sa health safety protocols.

Karamihan pa kasi sa lalahok na mag-aaral ay mga minors na hindi pa nababakunahan na mas may malaking tsansa na malantad sa panganib ng virus.

Dapat ding maging maagap sa mga pag-aksyon may ibat-ibang option na tiniyak naman ng DepEd na napaghandaan.

At sakaling muling tumaas ang mga kaso sanhi ng bagong variant, marapat lamang na agad-agad ay ipahinto muli ito.

Pero sa lahat ng ito, marapat pa ring maging prayoridad ay ang kaligtasan at kalusugan ng mga batang mag-aaral.

vuukle comment

CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with