^

Punto Mo

Namamalimos na pulubing lola sa China, nabuking na mayaman pala!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 79-anyos na pulubing lola na namamalimos sa isang train station sa Hangzhou, China ang natuklasan na maraming properties sa nasabing siyudad!

Nalaman ng mga pasahero ng tren ang tungkol sa pulubi nang inanunsyo sa loudspeakers ng Hangzhou East Railway Station. Ayon sa announcer sa train station, huwag basta-basta magpapauto sa matandang babae na nanghihingi ng limos dahil hindi ito totoong pulubi!

Pati ang anak ng nasabing pulubi ay nag-post ng litrato nito sa kanyang social media accounts na nakikiusap na huwag lilimusan ang kanyang ina dahil sila ay mayaman.

Sabi ng anak, bukod sa limang palapag ang bahay ng ina, tumatanggap ito ng buwan-buwang pension, nagmamay-ari rin ito ng ilang business at may mga paupahang bahay sa siyudad ng Hangzhou.

Nang kinapanayam ng media ang matanda, sinabi nito na hindi siya makatagal na walang ginagawa sa bahay kaya naisipan na magtinda ng map sa mga turista sa train station.

Pero nang pinagbawalan siyang magtinda ng mga staff sa train station, naisipan na lang niyang mamalimos dahil walang sumisita sa kanya kapag ito ang ginagawa niya roon. Napag-alaman na kumikita ng 300 yuan (katumbas ng P2,374) ang matanda sa pamamalimos niya mula 10:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.

Dahil natuklasan na ang totoong pagkatao ng matandang pulubi, hindi na ito namataan sa train station. Naghigpit na rin ang mga awtoridad doon.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with