^

Punto Mo

EDITORYAL - Handa na ba sa face-to-face classes sa NCR

Pang-masa
EDITORYAL - Handa na ba sa face-to-face classes sa NCR

BUKAS ay magsisimula na ang face-to-face classes sa National Capital Region (NCR). Dalawang public school lang pinayagan ng Department of Education (DepEd) sa bawat siyudad sa Metro Manila. Dalawa sa Maynila, Quezon City, Navotas, Parañaque, Pasig, Muntinlupa, Taguig, Valenzuela, Marikina at Las Pinas samantalang tig-isa lamang sa Makati, San Juan, Pasay at Malabon.

Ayon sa DepEd, kapag naging matagumpay ang implementasyon ng face-to-face classes sa NCR ay maaaring madagdagan pa ang mga public school na bubuksan. Ayon pa sa DepEd naging matagumpay ang pilot implementation noong Nobyemre 15 para sa public school at noong Nobyembre 22 para sa pribadong eskuwelehan. Walang naiulat na estudyanteng nahawa ng COVID-19 kaya masasabing tagumpay ang pagbubukas.

Ang mga school na kasama sa pilot implementation ng face-to-face ay nasa Ilocos Region, Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, SoCSarGen at Caraga Region.

Ayon sa DepEd, tatagal ng dalawang buwan ang pilot test at saka sila magpapasya kung palalawigin pa ito sa ibang paaralan sa bansa. Ayon pa sa DepEd kapag may naitalang kaso sa isang eskuwelahan, agad nilang ipatitigil ang implementasyon ng face-to-face classes at magsasagawa ng ebalwasyon.

Ang pagbubukas ng face-to-face classes sa NCR ay medyo nakakabahala sapagkat may lumutang nang bagong variant ng COVID-19 na Omicron. Bagama’t wala pa nito sa Pilipinas, naghahatid ng pangamba na baka maapektuhan ang face-to-face classes. Sa kasalukuyan, pababa nang pababa ang kaso ng COVID. Ilang araw nang mahigit sa 500 ang naitatalang kaso.

Sa banta ng Omicron, dapat siguruhin ng DepEd na bakunado na ang mga guro sa NCR at ganundin ang mga bata. Maging mahigpit sa pagpapatupad ng health protocols. May sapat bang alcohol, sabon at tubig sa mga school sa NCR na kasama sa face-to-face. Dapat preparado ang mga ito. Nararapat ding maipasunod ang tamang bilang ng mga estudyante sa isang room. Hindi na uubra ang parang mga sardinas na estudyante. Sana maipatupad nang maayos ang face-to-face sa NCR.

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with