^

Punto Mo

Lalaki sa Italy na sobrang takot sa bakuna, nagdala ng pekeng braso sa vaccination site para ito ang maturukan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 50-anyos na lalaki sa Italy na sobrang takot sa bakuna laban sa COVID-19 ang nahuling gumamit ng pekeng braso para ito ang maturukan!

Ayon sa report, duma­ting ang hindi pinangalanang lalaki noong Huwebes sa isang vaccination site sa Biella at nagsabi na gusto na nitong magpabakuna upang makatanggap ng vaccine certificate.

Ayon sa health worker na si Filippa Bua, tuturukan na sana niya ang lalaki nang magduda na siya nang bahagya lamang na itinaas nito ang manggas ng damit at kanyang napansin na iba ang kulay ng kaliwang “braso” nito sa kanang braso.

Nang hinawakan ni Filippa ang braso ng lalaki, saka niya napagtanto na peke ito kaya inutusan niya na hubarin nito ang buong t-shirt. Doon niya nakumpirma na nakatago sa loob ng ­malaking t-shirt ang totoong kaliwang braso ng lalaki at ang artipisyal na braso nito na gawa sa silicone ang nakalabas sa manggas.

Agad tumawag ng pulis si Filippa para ipahuli ang lalaki. Nang tinanong ng mga pulis ang lalaki kung bakit niya ito nagawa, ang sagot ay sobrang takot daw niya sa bakuna at isa pa kailangan din daw niya ng vaccine certificate upang makapaghanap-buhay.

Sa kasalukuyan, nakatanggap na ang lalaki ng criminal complaint at sa mga susunod na araw ay haharap siya sa husgado.

 

vuukle comment

ITALY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with