^

Punto Mo

Matindi ang variant, ‘wag munang pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAGPAUNA na ang Department  of Health (DOH) na makakalusot at makakapasok din sa bansa ang sinasabing matinding COVID-19 variant na Omicron.

Kaya nga dahil dito, kailangan na ngayon pa lamang ay mapaghandaan na ito ng pamahalaan,  lalo pa nga’t sinasabing mas mabilis itong makahawa  at may mga ulat pa ngang nalalabanan nito ang bakuna na talaga namang nakakabahala.

Sa bahagi ng gobyerno, mas makabubuti marahil na magpatupad pa ng mas matinding paghihigpit sa mga biyaheng papasok sa bansa kahit saang bansa pa marahil ito nanggaling.

Natuto na tayo sa mga nakaraan, sa nagdaang maraming variant at ang mga natutunan dapat mai-apply sa kasalukuyang paglaban sa bagong variant.

Bagama’t may mga paghahanda na ang pamahalaan kailangan pa rin ang pakikipagtulungan ng publiko partikular  ang pagsunod na lamang  sa  pinaiiral na mga panuntunan lalo na sa minimum health protocols.

Huwag munang reklamador, sunod na lang sana  para di masayang ang matagal na nating pinagtiisan habang nilalabanan  ang pandemya.

Dahil kahit anong gawin ng gobyerno, kung walang pakikisa ng publiko, mababalewala ang lahat ng ito.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with