^

Punto Mo

Dapat tandem ng ­presidente at bise ­presidente ang iboto! – Lacson

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAS mainam na iboto ng mga Pinoy ang tambalang presidente at bise presidente sa darating na May election para “suave” ang pagpatakbo ng gobyerno, ito ang pahayag ni Partido Reporma chairman at standard bearer Ping Lacson. May punto si Lacson sa suhestiyon niya dahil ang magandang ehemplo rito ay sina Presidente Digong at VP Leni Robredo na palaging magkasalungat ang ideya. Kahit anong ganda pa ang proyekto ni PRRD, palagi naman itong pinupuna ni VP Leni kaya imbes na umangat ang ekonomiya, aba mabagal pa sa pagong ang pag-usad. Kaya sa darating na election, ibinibenta ni Lacson ang tambalan nila ni Nationalist People’s Coalition (NPC) chairman Vicente “Tito” Sotto lll, na base sa obserbasyon ng mga political analysts ay kapwa pinakahanda para sa posisyon na presidente at bise presidente. At napatunayan sa katatapos lang na survey kung saan lumabas na sina Lacson at Sotto ang pinakamahigpit na kalaban ng inaasahan nang tambalan ng mga anak ng dati at kasalukuyang presidente. Puwede, di ba mga kosa? Hihihi! Ang hamon sa ngayon sa mga botanteng Pinoy ay sipating maigi kung sino sa mga kandidato ang handang paglingkuran sila. ‘Wag magpadala sa drama! Dipugaaaaa!

Kung sabagay, maging sa Amerika, tandem voting ang pinaiiral kaya ang mga nananalong presidente at bise presidente ay iisa ang isinusulong na plataporma. At ang resulta? Mabilis na pag-unlad ng ekonomiya, di ba mga kosa? Doon natin masabi na may pagkakaisa at solido ang pamamahala ng mga nanalong kandidato. Hindi tulad ng magkaiba ang tiket ng mga nanalo sa presidente at bise presidente kung saan kalimitan nagpupunahan sila imbes na sabay isulong ang mga proyektong ikaunlad ng bansa. Subalit kapag magka-tandem ang nanalo, naka-focus lang sila para itulak paitaas ang ekonomiya ng bansa. ‘Ika nga wala nang iringan, na pati mga supporters nila ay sumasali pa. Grrrrrr! Hihihi! Mababago ang takbo ng gobyerno ng Pinas kapag sina Lacson at Sotto ang mailuklok sa Palasyo sa Mayo, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Ang napupuna pa ng mga kosa ko itong tambalan ng mga pulitiko ay hanggang election lang kung saan naggagamitan para umangat at makahakot ng suporta. Subalit kapag naupo na sa puwesto, aba dedmahan na muli. Hihihi! Ano pa nga ba ang bago d’yan? At kalimitan, ang nanalong bise presidente ay lumalabas na “reserba” lang, di ba mga kosa? At dito na nagsimula ang gusot o iringan na hindi naman magdudulot ng ikakabuti ng serbisyo ng Palasyo sa mga Pinoy. Ipinangako ni Lacson na hindi mangyayari ang lahat na agam-agam ng mga kosa ko sa tambalan nila ni Sotto. Dahil nga seryoso ang agenda nila, ‘ika nga sa sayaw parehas ang magiging galaw nila kaya’t “suave” ang magiging performance nila. Hihihi! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa! 

Si Lacson at senatorial aspirant ex-PNP chief Guillermo Eleazar ang naunang dumalaw sa Kalayaan Island matapos ang insidente sa mga Coast Guard ng China at tanda ‘yan ng pagmamahal sa Pinas. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with