^

Punto Mo

EDITORYAL - Karaingan ng healthcare workers hindi dinirinig

Pang-masa
EDITORYAL - Karaingan ng healthcare workers hindi dinirinig

HANGGANG ngayon, patuloy pa ring dumadaing ang healthcare workers na ipagkaloob na sa kanila ang ipinangakong benepisyo at ­allowances. ­Patuloy pa rin sila sa pagmamakaawa pero nananati­ling bingi ang Department of Health (DOH). Mara­ming nag-aakala na naibigay na ang hinihingi ng may 60,000 healthcare workers pero mali ang akalang ito. Marami pa ang hindi nakakatanggap at iyon ang kanilang ipinanawagan.

Sabi ni Cristy Donguines, presidente ng Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-AHW, 30 percent lang ng kanilang meal, accommodation at transportation allowances simula Setyembre hanggang Disyembre 2020 ang nakukuha. Nasa DOH pa umano ang 70 percent nito. Ayon pa kay Donguines, may nakalaang P3.5 bilyon para sa healthcare ­workers at ito ay nakasaad sa Bayanihan 2 Law.

Noong nakaraang Agosto, ipinag-utos ni President Duterte sa DPH at Department of Budget and ­Management (DBM) na ibigay ang special risk allowances (SRA) at iba pang benepisyo ng healthcare workers sa loob ng 10 araw. Pero hanggang ngayon, marami pa ang hindi nakatatanggap.

Ayon sa grupo ng hospital workers na may 63,772 miyembro mula sa 12 pribadong ospital sa Metro Manila at Laguna, bukod sa SRA, meal at transpo allowances, bawat healthcare workers ay makatatanggap din nang mahigit P30,000 kung anim na buwan na nagtrabaho nang walang palya.

Sabi naman ng DOH, ang mga ospital ang dapat sisihin sa pagkaantala ng SRA. Hindi umano nagko-comply sa requirements ang mga pribadong ospital.

Kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan ng health workers na hindi ipinagkakaloob ang benepisyo, tuluyan nang magsisipagbitiw ang mga ito at mag-aaplay sa ibang bansa dahil mas malaki ang sahod doon at kinikilala ang kanilang paglilingkod. Mula Hulyo ng taong ito, marami nang nagbitiw na nurses at nangibang bansa na.

Kapag nagpatuloy ang exodus ng health workers, mapaparalisa ang mga ospital sa bansa at walang ibang kawawa kundi mamamayan na sinasalanta ng pandemya. Dinggin ang panawagan ng health workers na ipagkaloob ang kanilang SRA at iba pang benepisyo. Huwag balewalain ang kanilang pagsasakripisyo.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with