^

Punto Mo

Dart: Unang misyon laban sa asteroid

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NOONG nakaraang linggo, inilunsad ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang unang test mission para maipagtanggol ang daigdig laban sa mga mapanganib at malalaking asteroid. Pinangalanang Dart ang spacecraft na pinalipad noong nakaraang linggo para salpukin ang isang asteroid na tinatawag  na Dimorphos na inasahang magaganap sa susunod na taon. Layunin ng misyon na mailihis ang direksiyon ng asteroid. Sinasabing una itong pagsubok kung paano maililihis ang asteroid na magbabantang sumalpok sa daigdig. Hindi naman papunta sa daigdig ang Dimorphos pero napagtuunan ito ng mga dalubhasa para masubukan kung paano mababago ang bilis at mailihis ang direksyon ng mapanganib na asteroid.

Maraming klase ng asteroid na magkakaiba sa hugis at laki. Merong kasing laki ng sasakyan o kasing laki ng isang siyudad o kontinente. Matagal nang ipinalalagay ng mga scientist na isang malaking asteroid ang sumalpok sa daigdig, milyun-milyong taon na ang nakalilipas, ang pumuksa sa mga  dinosaur.

Maaaring hindi gaanong maramdaman ng karaniwang mamamayan ang kahalagahan ng naturang Dart mission. Magtagumpay man ito o hindi, nakakapagdagdag ito ng mga kailangang impormasyon sa mga pananaliksik na isinasagawa ng mga scientist sa mundo hinggil sa mga asteroid na tinatawag ding planetoid o minor planet at pag-aaral kung paano maiiwas dito ang daigdig.

Ayon sa NASA, mula nang mabuo ang daigdig may 4.5 bilyong taon na ang nakararaan, ay lagi na itong tinatamaan ng mga asteroid. Pero bihirang sumalpok sa daigdig ang pinakamapanganib na asteroid. May mga asteroid naman na bago pa man makalapag sa lupa ay nadudurog at nasusunog na sa atmospera pa lang ng mundo. Ang asteroid na may kakayahang magdulot ng trahedya sa daigdig ay may lawak na mahigit quarter mile at ito ay tinatayang makapagdudulot ng sapat na dust sa atmosphere para makalikha ng nuclear winter na sisira sa agrikultura sa buong mundo. May malalaking asteroid din na maaaring magbunsod ng tsunami.  Pero, ayon  sa NASA, ang ganitong klase ng asteroid na maaaring tumama sa mundo ay nangyayari lang tuwing ika-1,000 siglo.

Matagal na rin namang pinag-aaralan ng mga scientist at ibang mananaliksik sa mundo ang mga asteroid sa kalawakan. Meron pa ngang isang spacecraft na pinalapag sa isang asteroid at kinuhanan ito ng mga sample ng bato nito.

Masasabing ang panganib mula sa asteroid ang isa sa mga kalamidad na hinaharap ng daigdig. Pero hindi ito tulad ng bagyo, lindol, buhawi, tsunami, pagputok ng bulkan, baha at iba pa na maaaring maiwasan ang epekto. Kaya nga nagpapatuloy ang pagsasaliksik at pag-eeksperimento ng mga dalubhasa sa mga asteroid na ito. Bukod siyempre sa dasal, malaking bagay ang naturang mga pag-aaral tulad ng nabanggit na Dart mission para maipagtanggol ang daigdig sa mga mapanganib na asteroid.

Email: [email protected]

vuukle comment

ASTEROID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with