^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag isusuko ang Ayungin

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag isusuko ang Ayungin

PINAAALIS ng China sa Pilipinas ang ­grounded vessel BRP Sierra Madre na nakadaong sa Ayungin Shoal sapagkat iyon daw ay bahagi ng Nansha Qundao. Teritoryo o pag-aari nila ang shoal na tinatawag nilang Ren’ai Jiao. Ito raw ang dahilan kaya umaaligid sa shoal ang kanilang mga barko. Pinuprotektahan umano nila ang shoal.
Ayon kay Chinese Foreign ministry spokesman Zhao Lijian sa isang press conference sa Biejing noong Miyerkules,  dapat daw tumupad sa pangako ang Pilipinas na aalisin na ang barkong nakadaong sa Shoal. May “commitment” umano ang Pilipinas ukol dito.

Hindi nagustuhan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang sinabi ng China at mariin nitong sinabi na trespassing ang mga ito sa Ayungin. Hindi rin umano nakipag-commit ang Pilipinas sa China hinggil dito. Ayon sa Defense chief, may soberanya ang Pilipinas sa Ayungin sapagkat pasok ito sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Ayon kay Lorenzana, 1982 pa na-award ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang EZZ ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Kaya malinaw na may karapatan ang Pilipinas at maaaring gawin ang anumang naisin sa shoal.

Hindi pa rin tumitigil ang China. May posibilidad na muling maulit ang pagharang sa mga bangkang Pinoy na magtutungo sa Ayungin. Baka hindi lamang bomba ng tubig ang ibigay kundi mga bala na. Ganunman, hindi dapat bumahag ang buntot ng Pilipinas sa naghahari-hariang China. Magprotesta pa. Huwag tigilan ang protesta para malaman ng buong mundo ang ginagawa ng China. Hindi dapat magsawalang-kibo sa nangyayaring ito na tinatapak-tapakan na ang soberanya ng Pilipinas.   

vuukle comment

AYUNGIN SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with