^

Punto Mo

Tinedyer sa Pampanga, debdol dahil sa di-pagsuot ng face mask!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGDURUSA ngayon sa likod ng rehas na bakal ang isang pulis-Pampanga matapos niyang mapatay ang isang 19-anyos na lalaki na sinita niya dahil sa hindi pagsusuot ng face mask habang nag-iinuman sa tabi ng kalsada. Iginiit ni Cpl. Alvin Pastorin, intel officer ng Bacolor police station, na self defense ang nangyari sa pagpapaputok niya kay Abelardo Vasquez ng Bgy. San Vicente na kinuyog siya at ng mga kasama matapos ang mainitang pagtatalo. Sumuko si Pastorin sa kanyang superiors at kaagad naman siyang kinasuhan ng homicide sa Bacolor prosecutor’s office. Sinabi ni Brig. Gen. Matthey Baccay, director ng Central Luzon police na maliban sa criminal case, iniutos din niya ang pagsampa ng administrative case laban kay Pastorin sa provincial internal affairs service. Ang pamilya ni Vasquez ay may sariling bersiyon ng insidente subalit iginiit ni Baccay na sa korte na nila ihain ang mga ito dahil nakasampa na ang kaso. Dipugaaaaa!

Sa kanyang report kay Baccay, sinabi ni Col. Robin Sarmiento, Pampanga provincial director, na si Pastorin ay galing sa intel operation nang magsadya sa tindahan ng kaibigan sa Bgy. San Vicente kung saan inabutan niya ang limang kabataan na nag-iinuman sa tabi ng kalye. Dahil walang suot na face mask at damit pang-itaas ang mga ito, sinaway sila ni Pastorin at inutusan umuwi para magsuot ng face mask. Hindi nagustuhan ito nina Vasquez at kasamahan na umalis subalit bumalik na may kasamang kalalakihan na galing din sa inuman. Si Pastorin ay pabalik na sa kanyang nakaparadang kotse nang ulanin siya ng bato at kinuyog pa ng mga suspects. Natumba si Pastorin at dinaganan siya ng isang lalaki na kanyang binaril nang matantiya na nanganganib ang kanyang buhay. Tinamaan ng tatlong beses ang lalaki na nakilalang si Vasquez. Si Vasquez ay isinugod ng nagrespondeng mga pulis sa ospital subalit dineklarang DOA. Samantala, ang kotse ni Pastorin ay basag-basag na nang madatnan ng mga kasamahan. Hihihi! Ano pa nga ba ang aasahan mo sa sobrang galit ng mga kamag-anak at kapitbahay ng biktima, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Nakisimpatiya naman si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos sa pamilya ni Vasquez sabay utos kay Baccay na alamin ang puno’t dulo ng kaso para maiwasang maulit ito. Ipinangako ni Carlos sa pamilya at kamag-anak ni Vasquez na magiging parehas ang imbestigasyon nila sa kaso at pagdusahan ni Pastorin ang ginawa niya kapag napatunayan sa korte at IAS na nagkasala siya. Kapag mali si Pastorin, sibak kaagad ito sa serbisyo, aniya. Hiniling din ni Carlos sa mga Pinoy na sumunod muna sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) kahit bumaba na ang kaso ng COVID sa bansa, lalo na’t maraming lugar sa Pinas, maging ang Pampanga ay nasa ilalim pa ng Alert Level 2. Lalabas at lalabas tiyak ang katotohanan sa kaso ni Vasquez dahil naghimasok na si Carlos, di ba mga kosa? Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with