^

Punto Mo

Supilin ang illegal gambling, pakiusap ni Garma sa NBI at PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINIKAYAT ni Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na pursigihin pa ang kanilang kampanya laban sa illegal number games para lalong lumakas ang kita ng PCSO nang sa gayon maraming mahihirap na Pinoy ang matulungan ng charity projects nila. Ginawa ni Garma ang pakiusap matapos mag-abot noong Lunes ng P22,058,902.37 tseke sa PNP bilang .5 percent shares nila sa Small Town Lottery (STL) at P8,823,523,72 bilang .2 percent shares naman ng NBI.

Iginiit ni Garma na hindi siya humihingi ng kapalit sa pondo na ipinamahagi ng PCSO sa NBI at PNP subalit hiniling niya ang suporta ng dalawang ahensiya para matigil na ang illegal gambling na naglilipana pa sa buong Pinas. Get’s n’yo alyas Jun Cruz at Magdaluyo Sirs? Dapat ang mga palaro ng PCSO ang magiging priority ng mga Pinoy dahil kapag lumaki ang kita ng ahensiya mas maraming mahihirap na Pinoy na may sakit ang maaayudahan nila, ani Garma. Mismooooo! Dipugaaaaa!

Teka nga pala! Maging ang Commission on Higher Education (CHED) ay naambunan din ng grasya ng PCSO sa pamamagitan ng P21,406,854.70 na tseke sa .1 percent sa lotto sales.

Nilinaw ni Garma na ang pakikipatulungan ng NBI at PNP sa PCSO ay malaking bagay para maisulong ng ahensiya ang pagpalawak ng mga gaming products nila, tulad ng STL at Lotto, sa iba’t ibang sulok ng bansa. Aniya, ang tseke na ipinamahagi nila ay para matulungan din ang NBI at PNP na asikasuhin ang may sakit at iba pang medical needs ng mga tauhan nila.

“The NBI and PNP has apprehended numerous cases and battled suspected individuals and groups belonging to underground illegal gaming, this is why, we are very thankful for their services so that our Agency, and the safety of our employees are sought and protected at all times,” ani Garma.

“This is our way of rewarding them for sincerest efforts in helping the government’s plight to reduce existing such problems,” ang dagdag pa ni Garma. Subalit nilinaw ni Garma na ang tulong sa NBI at PNP ay hindi dapat gamitin sa kanilang operations kundi sa pangangalaga ng kalusugan ng kanilang empleyado. Hayan malinaw pa sa sikat ng araw ang tagubilin ni Garma, ha mga kosa ko sa NBI at PNP. Dipugaaaaa!

Ang tumanggap ng tseke ng NBI ay si NBI Deputy Director Atty. Eleanor Rachel Angeles at si Col. Alejandra Silvio, ng PNP Finance Service naman ang para sa police organization. Samantalang ang share ng CHED ay tinanggap ni Patrick James Arao. Siyempre, nagpasalamat sina Angeles, Silvio at Arao sa PCSO dahil ang tulong na ipinamahagi ng ahensiya ay malayo ang mararating para matustusan nila ang health care ng kanilang mga empleyado.

Hindi lang ‘yan, sinabi nina Angeles, Silvio at Arao na hindi sila magsasawa na pabalik-balik sa PCSO dahil t’yak may tatanggapin silang grasya para mapangalagaan ang kalusugan ng kanilang empleyado sa panahon ng pandemya. Mismooooo! Hihihi! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with