^

Punto Mo

State-of-the-art na gamit ng PNP, isusulong ni Eleazar!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

“MASIGLA ang ekonomiya kapag payapa at ligtas ang ating bayan at ating pamayanan,” ito ang iginiit ni senatoriable ex-PNP chief Guillermo Eleazar sabay pangakong isusulong niya, kapag nanalo ang state-of-the-art na technology para lalong umunlad ang serbisyo publiko ng pulisya.

Ayon kay Eleazar, pangungunahan niya ang pagsulong ng mga innovative law enforcement functions at iba pang frontline services para ipagpatuloy ang reporma at i-professionalize ang hanay ng PNP para madaling tugu­nan ang pangunahing panga­ngailangan ng mga Pinoy. May punto si Eleazar sa mga pinagsasabi niya dahil sa loob ng 34 na taon niya sa serbisyo, naranasan niya ang samu’t saring problema na hinaharap ng PNP sa sinumpaan nilang trabaho na serbisyo publiko.

Ang paglutas ng mga problemang hinaharap ng PNP ang nagtulak kay Eleazar para pasukin niya ang magulong buhay ng pulitika. Si Eleazar, na tatakbo sa Partido Reporma ni Ping Lacson ay mainit na sinalubong ng mga mayors at barangay officials sa pagbisita niya sa taga-Tagum, Davao del Norte noong Nobyembre 17. Mismooooo! Dipugaaaaa!

Ayon kay Eleazar, ipagpapatuloy niya ang sinimulan niyang programa bilang PNP chief sa loob ng anim na buwan ang proyektong E-Sumbong, kung saan puwedeng gamitin ng mga Pinoy ang lahat ng uri ng online platforms para ireklamo ang mga pasaway na pulis. Sa naturang proyekto, mapapabilis at uunlad din ang monitoring system ng PNP. Sa liderato rin ni Eleazar naisulong ang E-Access program na nagsilbing database ng mga cybercriminals at ang kanilang ginagamit na modus operandi para maloko ang mga Pinoy.

“’Yung mga isusulong natin na mga programa o mga legislation, ‘yan naman po ay ating inaayos pa pero basically ito po will aggressively push for the state-of-the-art technology so that we can further improve the law enforcement functions as well as to improve the frontline services by the Philippine National Police,” ang pahayag ni Eleazar.

“Palakasin din ang ating reporting system na kung saan ay iyan ay sinimulan na natin through the E-Sumbong at on the side of police, mabilis na pagmomonitor nito… bottomline, mabilis na pagtugon sa ating mga kababayan,” ang dagdag pa ni Eleazar. Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Ang pagsulong ng state-of-the-art technology sa PNP ay alinsunod sa plano ng tandem nina Lacson at Tito Sotto na i-digitalize at i-automate ang government agencies para tuldukan ang problema ng corruption sa bansa. Iginiit pa ni Eleazar na ang law enforcement at economic development ay dalawang bagay na hindi maaring paghiwalayin tungo sa maunlad na bansa.

“Naipakita po natin ang pagtaas ng kumpiyansa, tiwala at respeto ng ating mga kababayan sa ating kapulisan at ‘yun ang nagtutulak sa akin para maipatuloy itong aking serbisyo,” ani Eleazar. “Bilang isang pupunta sa ganitong bagong yugto sa paglilingkod sa ating bayan, eh I will be focusing, of course, on the perspective of law enforcement na ating nakita naman na hindi natin puwedeng paghiwalayin sa ating economic development,” ayon pa kay Eleazar. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with