^

Punto Mo

Lalaki sa China, inoperahan dahil sa nakabaon na toothpick sa puso!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

APAT na taon nang iniinda ng lalaking tinawag na Zhao ang pananakit ng kanyang dibdib at iba pang bahagi ng katawan. Gumastos na siya ng 190,000 Yuan sa paghahanap ng lunas sa subalit walang makatukoy sa kanyang sakit.

Iba’t iba ang diagnosis sa kanya tulad ng sepsis at leukemia ngunit ang totoo palang sanhi ng kanyang mga nararamdaman ay isang toothpick na nasa right atrium ng kanyang puso!

Sumailalim si Zhou sa open heart surgery sa isang ospital sa Nanning, Guangxi Province Zhao at nakuha ang 6 centimeter na toothpick sa right atrium ng kanyang puso. Naging matagumpay ang ­operasyon.

Walang malinaw na paliwanag kung paano napunta ang toothpick ngunit may teorya si Zhao na nalunok niya ito habang nakikipag-inuman. Ipinaliwanag ni Zhao na gawain na niya na maglagay ng toothpick sa kanyang baso tuwing nakikipag-inuman bilang palatandaan upang hindi magkamali na makainom sa baso ng iba.

Dahil sa gawaing ito, ilang beses na siyang nakalunok ng toothpick pero nakukuha naman daw niya ito. Sa tingin niya, sa sobrang kalasingan, hindi na niya namalayan na nalunok nang tuluyan ang toothpick.

Nakarekober si Zhao sa operasyon at bumalik na sa dati ang kanyang kalusugan.

vuukle comment

PUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with