^

Punto Mo

Basketball at zumba, puwede na sa Mandaluyong!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

DAHIL ibinaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila, pinapayagan na ang basketball at zumba sa Mandaluyong City subalit iginiit ni Mayor Menchie Abalos na dapat sumunod ang mga players sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF). At binigyan ni Abalos ang mga barangay leaders ng karapatang pamahalaan ang naturang outdoor at indoor exercises para siguruhin na ang mga manlalaro o magpapapawis ay ligtas sa COVID-19. Kahit bumaba na ang kaso ng COVID sa bansa, nagbabala ang gobyerno ni President Digong na hindi pa tapos ang problema at pinag-iingat pa ang lahat, lalo na ang mga magulang na ibinibilad sa sakit ang kanilang mga menor-de-edad na mga anak sa malls at iba pang places of gatherings. Ang panawagan ni Palace spokesman Harry Roque ay pairalin pa rin ang pagsuot ng face mask at face shield at siyempre ang social distancing para hindi na maranasang muli ang surge ng COVID. Dipugaaaaa!

Dahil sa Alert level 2, pinayagan na ng IATF ang professional basketball games ­subalit regulated ito ng Games and Amusement Board (GAB) samantalang pinag-uusapan pa ng Metro Manila Council ang tungkol naman sa barangay level. Subalit sa masusing konsultasyon sa IATF, pinayagan na ang basketball games kaya lang inabisuhan nito ang barangay leaders na limitahan ang bawat laro sa maximum na dalawang oras. Maliban dito, kailangan ding ipatupad ang minimum health protocols at ang mga manlalaro na fully vaccinated ang payagang maglaro. Araguuyyyyy! Hindi lang ‘yan, dapat may nagbabantay na barangay staff para kunin ang temperature at i-tsek ang vaccination cards ng players.

“Anyone who enters a basketball court should still wear a face mask and log everyone going in and out. I suggest we should use our MandaTrack on basketball courts to make contact tracing much easier,” giit ni Abalos. Hihihi! Dapat suportahan ng taga-Mandaluyong itong mga guidelines ng IATF para tuluy-tuloy na ang kaligayahan ng mga basketball players, di ba mga kosa?

Kasalukuyang pinag-aaralan pa ng kampo ni Abalos na bigyan ng iba’t ibang incentives ang players tulad ng pagpayag sa kanila na ‘wag nang magsuot ng face mask habang naglalaro para sa mga bakunado na, lalo na ang mga batang edad 17 pababa, na gustong maglaro. “This can help encourage children to get vaccinated. We all know that many children are eager to go out and play now that they are allowed to do outdoor exercises,” ang dagdag pa ni Abalos.

Samantala, ang zumba classes naman ay maaring hindi magsuot ng face masks ang mga magsisidalo subalit kailangang mahigpit silang sumunod sa social distancing ng IATF. Ang bawa’t players ay dapat may 2 metro ang layo sa bawat isa, ani Abalos. Subalit pagkatapos ng zumba class, dapat ang players ay magsuot na ng face masks habang nag-uusap sila sa sidelines. Hala bira mga kakosa ko sa Mandaluyong! Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan! Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with