^

Punto Mo

Maari bang makulong kapag inihabla sa small claims court?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ano po ba ‘yung small claims court? Maari po ba akong makulong kapag idinemanda ako doon? May naniningil po kasi sa akin at nagbanta po siya na magsasampa na raw siya sa small claims court kapag hindi pa raw ako nakapagbayad. —Melanie

Dear Melanie,

Ang small claims court ay korteng dumidinig sa mga kaso na may kinalaman sa paniningil ng mga hala­gang hindi hihigit sa P300,000 (P400,000 para sa Metro Manila­).

Dinidinig ng small claims court ang mga kaso ng paniningil kabilang na iyong may mga kinalaman sa pagpapautang, sa pagpapaupa, sa mga hindi nabayarang serbisyo­ at sa mga naging bentahan.

Kung mapapansin mo ay wala naman akong kriminal na kasong nabanggit. Ukol lang kasi sa paghahabol ng mga hindi-kalakihang halaga ang mga kasong dinidinig ng small claims court kaya walang pinapataw na parusang pagkakabilanggo ang nasabing korte.

Hindi naman ibig sabihin nito ay maari kang maging kampante kapag ikaw ay sinampahan ng kaso sa small claims court. Mahalaga pa rin na ihanda mo ang mga isasagot mo sa mga paratang sa iyo at nang ikaw ay makadalo sa mga magiging pagdinig dahil kung hindi ay maaaring ipagkaloob ng hukom ang hinihiling ng naghabla, kabilang na ang gastos sa paghahain ng kasong isinampa laban sa iyo.

Kung ito ay mangyari, maaaring agarang magbaba ng utos ang korte kung saan ikaw ay inuutusang bayaran ang sinisingil ng nagdemanda sa iyo at sam­samin ang iyong mga ari-arian kung sakaling hindi mo mabayaran ang halagang nakasaad sa desisyon.

vuukle comment

CASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with