^

Punto Mo

Pagsasampa ng kaso, may deadline ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May deadline po ba ang pagsasampa ng kaso? May umutang po sa akin noong isang taon na nangakong huhulugan niya ang pagbabayad buwan-buwan. April pa po ng huli siyang nag­bayad at July noong huli ko siyang singilin. Dahil po sa panibagong lockdown noong August ay hindi ko na nagawang asikasuhin ang balak ko sanang pagsasampa ng reklamo. Maari pa po ba akong magdemanda kahit ilang buwan na po ang nakakalipas na wala akong nagawa?—Mel

Dear Mel,

Ang “deadline” na tinutukoy mo ay ang tinatawag na “prescriptive period” na siyang panahon na ibinibigay ng ating batas sa mga gustong magsampa ng demanda. Kung nagkataong napaso na ang prescriptive period na ito at wala pang naisasampang kaso, maaring ibasura kaagad ng hukuman ang demanda.

Iba’t iba ang prescriptive period para sa bawat klase ng kaso. Batay sa Civil Code, may panahon ka pa naman para makapagsampa ng demanda upang mabawi ang halagang hindi pa nababayaran sa iyo.

Kung nakasulat ang pagpapautang mo sa kanya, may 10 taon ka pa para magsampa ng kaso simula ng hindi tumupad ang umutang sa iyo sa napagkasunduan n’yo, alinsunod sa Article 1144. Kung hindi naman nakasulat ang kasunduan n’yo sa pagpapahiram mo ng pera ay mayroon ka lamang anim na taon para isampa ang demanda para mabawi ang halagang iyong pinautang.

Bagama’t marami ka pang oras, mas mabuting asikasuhin mo na rin ang balak mong pagsasampa ng kaso ngayong kumpleto pa ang mga dokumentong magpapatunay sa halagang iyong hinahabol at habang alam mo pa kung saan matatagpuan ang may utang sa iyo.

vuukle comment

CASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with