^

Punto Mo

Mister sa Colombia, hubad na ipinarada sa kalsada bilang parusa sa pangangaliwa sa kanyang asawa!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Colombia ang pinag-usapan ng netizens matapos iparada nang hubo’t hubad sa kalsada bilang parusa sa pagiging babaero!

Naging viral at humakot ng ilang milyong views ang video ng isang hubad na lalaki na nasa ibabaw ng kotse at ipinaparada sa mga kalsada ng Barranquilla City sa Colombia.

Ang lalaki ay nakilalang si Jairo. Nahuli si Jairo ng kanyang misis sa isang motel na may kasamang ibang babae. Nang tinanong ni Jairo ang kanyang misis kung paano siya nito mapapatawad, sinabi ng misis na ipaparada siya nang hubo’t hubad mula sa motel hanggang sa kanilang bahay. Ang puwede lang takpan ni Jairo ay ang kanyang mukha gamit ang tuwalya. Sa kagustuhang mapatawad ng asawa, pumayag si Jairo na iparada nang hubad habang nasa ibabaw ng sasakyan sa ma-traffic na kalsada.

Habang ipinaparada nang hubad, inaresto si Jairo ng mga pulis dahil labag sa batas ang paghuhubad sa pampublikong lugar sa Colombia. Kinasuhan siya ng indecent exposure and disturbing public order at pinagmulta ng 328,000 Colombian pesos (katumbas ng P4,300 sa Pilipinas).

 

 

vuukle comment

COLOMBIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with