^

Punto Mo

Rizal province, hindi takbuhan ng mga kriminal!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI taguan o takbuhan ng mga kriminal ang Rizal sa liderato ni Col. Joseph Arguelles, ang provincial director. Huli na ang lahat para sa anim na dating mga security guards na nagti-training para ­maging gun-for-hire ng mga pulitiko sa darating na May elections. Kasi nga nasakote ng mga tauhan ni Arguelles at Highway Patrol Group (HPG) ang grupo subalit imbes na sumuko minabuti nilang lumaban kaya’t hayun bumagsak sila at humabol sa All Saints Day sa sementeryo. Get’s n’yo mga kosa?

Ang anim ay nakilalang sina Louie Pinca, alyas Leo; Marcos Bergonia, alyas Angcoy; Lito Meneses, alyas Tolits; Raymond Indita; Renato Unico, alyas Ato, at Michael Tiansay, alyas Bundat. Sinabi ni Lt. Col. William Santos, intelligence chief ng Rizal PPO, na ang grupo ay mga dating security guards ng 7-11 na kanila namang sinasalakay sa pagpraktis nila bago pumasok na gun-for-hire ng mga pulitiko sa darating na May elections. Owwww! Hihihi! Tiyak tinatrabaho na ni Santos ang nasabing pulitiko, di ba mga kosa?

Sinabi ni Santos na mahigit isang buwan na nilang tinutugaygayan ang grupo na nasa likod ng nakawan sa 7-11 at gas stations sa Central Luzon, Rizal at iba pang kalapit na lalawigan. Si Pinca, na dating security guard supervisor, ang nagpapahiram ng baril sa kanyang mga kasamahan, ayon pa kay Santos. Sa kasalukuyan, maliliit pa lang ang trabaho ng mga suspects dahil “pagkain” pa lang ang nakukulimbat nila sa mga napasok nilang esta­blisimento, ani Santos. Kaya lang, may kasabihan tayo na ang kasamaan ay may hangganan din at ‘yaon nga ang nangyari sa anim na suspects. Hindi pa nga sila nakayari ng malakihan, eh nawindang na sila ng Rizal police at HPG Task Force Limbas.

Matapos maholdap ang gasoline station sa Marcos Highway, sa Sitio Bautista sa Bgy. San Jose, Antipolo City noong Oktubre 14, sinundan ng HPG Mobile 806 ang grupo na sakay sa isang brown Kia Rio Sedan (ABQ 2011) at kulay puti na Yamaha Mio Soul (4967UG). Matapos ang isang habulan, aba naki­pagputukan pa ang mga suspects, kaya lang naaksidente ang kanilang mga sasakyan. Hayun, hindi sila pinatawad ng mga tauhan ni Santos at HPG. Araguuyyyyyy!

Kaya lang nasugatan naman si Pat. Ramil Bernardino at ang mobile car ng HPG ay may dalawang tama ng bala. Limang kalibre .45 at isang pistol ang nabawi sa mga suspect. Hihihi! Bawas na naman ang kalye ng anim na kriminal dahil sa sipag at tiyaga ni Santos at HPG team. Mismoooooo! Dipugaaaaaaa!

Matatandaan na si Santos ay ginawaran ng Gallantry award nitong nakaraang anibersaryo ng National Police Commission (Napolcom) dahil sa katapangang ipinamalas n’ya sa engkuwentro laban sa mga New People’s Army (NPA) noong nakaraang December. Kaya hindi nagtataka itong mga kosa ko kung pati mga kriminal ay hindi sasantuhin ni Santos. Dipugaaaaa! Hihihi! Kayong mga kriminal, iwas-iwas muna sa Rizal at baka dapuan kayo ng malas sa kamay ng mga tauhan ni Arguelles. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

HIGHWAY PATROL GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with