^

Punto Mo

EDITORYAL - Ayuda sa jeepney drivers, huwag idaan sa operators

Pang-masa
EDITORYAL - Ayuda sa jeepney drivers, huwag idaan sa operators

BUKAS ay tataaas na naman ang mga produktong petrolyo – ikasampung sunud-sunod na pagtataas – kaya nararapat nang ipagkaloob ng pamahalaan ang fuel subsidy. Hindi na dapat pang patagalin ang pagkakaloob ng subsidy sapagkat lubhang kawawa naman ang mga drayber ng jeepney. Sa taas ng presyo ng gasoline at diesel, wala na silang naiuuwi sa kanilang pamilya. Hindi pa sila natatagalan sa pamamasada dahil sa lockdown ay ito namang pagtaas ng gasoline at diesel ang rumagasa. Bilang na bilang din ang kanilang pasahero dahil sa pagsunod sa health protocol kaya kakapiranggot ang kanilang kita sa maghapon.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra, nasa P1 bilyong fuel subsidy ang ipagkakaloob sa mga lehitimong franchise holders at draybers ng public utility vehicles (PUVs). Ipagkakaloob umano ito sa pamamagitan ng Pantawid Pasada na unang na-implement noong 2018. Ipamamahagi umano ang subsidy gamit ang cash cards. Ganunman, hindi masabi ni Delgra kung kailan ang eksaktong petsa na  ipamamahagi ang subsidy pero inihahanda na umano ito ng kanyang tanggapan.

Maraming jeepney drivers ang natuwa at meron din namang hindi. Mas maraming nagsabi na dapat suspendihin na lamang ng pamahalaan ang pagpapataw ng tax sa petroleum products. Hanggang saan daw tatagal ang subsidy sa may 178,000 jeepney drivers. Kung suspendido ang buwis sa petroleum products mas malaki ang mapapakinabang ng mga drayber.

Magpapatuloy pa ang pagtaas ng petroleum ­pro­ducts kaya may katwirang suspendihin ang ­excise tax. Nakasaad naman sa TRain law na kapag naging $80 ang bawat bariles ng langis, puwedeng suspendihin ang pagpapataw ng buwis.

Kung ipaggigiitan ang fuel subsidy, dapat na ipagkaloob agad sa mga drayber at huwag nang idaan pa sa operators. Sabi ni FEJODAP President Ricardo Rebaño, dapat ang magbenepisyo nito ay mga driver mismo dahil sila ang bumibili ng fuel araw-araw. Hindi dapat mapunta sa operators ang subsidiya.

Ipagkaloob na ng LTFRB ang fuel subsidy at bantayan na huwag itong mapasakamay sa operators. Baka sa dakong huli, kawawa ang drivers.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with