^

Punto Mo

Lalaki sa Italy, nagpakulong para makatakas sa asawa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki na naka-house arrest ang nagpunta sa isang presinto roon at boluntaryong nagpakulong para lamang makatakas sa kanyang asawa.

Hindi na raw kasi matiis ng 30-anyos na mamuhay kasama ng kanyang asawa kaya naman para “makatakas” dito ay pinili na lang ng lalaki na magpabilanggo na lang.

Lumapit sa mga pulis ang lalaki at nagsabing pipiliin na lang niyang tapusin ang kanyang sentensiya sa likod ng rehas kaysa sa house arrest na ipinataw sa kanya.

Tagumpay naman ang naging plano ng lalaki dahil agad siyang inaresto dahil lumabas siya ng bahay ng walang pahintulot sa kabila ng kanyang house arrest.

Matapos ito, ipinag-utos din ng hukuman na ilipat sa kulungan ang lalaki dahil sa ginawa niyang paglabag.

vuukle comment

JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with