^

Punto Mo

Preso sa Egypt, nilunok ang cell phone para hindi makumpiska ng guard

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Dinala sa emergency room ng nasabing ospital ang inmate na si Mohamed Ismail Mohamed matapos dumaing nang matinding pananakit ng sikmura.

Nang isinailalim ang pasyente sa CT scan, nakita na may foreign object ito sa bituka nito.

Matapos operahan, nakita ng mga doktor na isa pala itong maliit na cell phone na nakabalot sa plastic foil.

Sa panayam kay Ismail, gawain na nilang mga inmate na lunukin ang kanilang cell phone para hindi ­kumpiskahin ng mga jail guard. Idinudumi naman daw kasi nila ang cell phone dahil masliit lamang ito pero sa pagkakataong ito, naipit ito sa kanyang bituka at nanatili sa kanyang sikmura sa loob ng anim na buwan.

Ayon sa doktor na nag-opera, nagkaroon ng pamamaga at impeksyon ang bituka ni Ismail at kung hindi nakabalot sa plastic foil ang cell phone, maaaring mas malalang kumplikasyon ang nangyari sa  sikmura ng inmate.

Sa kasalukuyan, maayos na ang lagay ni Ismail at kapag lubusan na siyang magaling, ibabalik na siya sa piitan.

 

vuukle comment

EGYPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with